14

11 4 5
                                    

“GOOD morning, love!”

Isang halik ang itinugon ni Wretchel sa pagbati na iyon ni Giovanni pagkatapos niya itong mapagbuksan ng pinto. Agad nitong ipinulupot ang mga braso sa kanyang bewang at tumugon sa kanyang halik.

“Pasok ka muna.” Pagkalayo niya rito.

Isinara niya ang pinto nang makapasok ito. Inilapag nito ang cell phone at aviator nito sa center table niya. Nag-iisip siya kung mayroon ba siyang pulang T-shirt or dress sa kanyang wardrobe habang tinitingnan ang suot nitong red polo shirt. Sabado iyon, pareho nilang day off at naisip nilang magtungo  sa Rizal para dayuhin ang ilang restaurant at pasyalan na nakila nila sa social media, bilang pagdiriwang ng ikalawang buwan ng relasyon nila nito.

“Come here.” Idinipa nito ang mga braso. “I missed you,“ anito at muli siya nitong niyakap nang makalapit siya rito.

Natatawang lumayo siya rito. “Parang kakikita lang natin kahapon, ah?”

Madrama itong bumuntong-hininga at sumimangot. “Alam mo namang malayo ka lang sa paningin ko nang ilang segundo namimiss na agad kita.”

Malakas siyang natawa sa sinabi nitong iyon. “Huwag mo akong bolahin, Mr. Rivas. Tara na nga. Kukunin ko lang ang bag ko.”

Lalayo na sana siya rito ngunit muli siya nitong hinila palapit dito at muling ikinulong sa mga bisig nito. “Mamaya na. Alas sais pa lang naman. At hindi po ako nambobola, ano, Ms. Andañez. Lahat ng sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang.”

Akmang hahalikan siya nito pero iniwas niya ang mukha. Ngumisi siya at humalukipkip. “O, talaga? Kahit ang... sinasabi mong ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa?”

Pero hindi na nito kailangang sagutin iyon. Sa malamlam at puno ng paghanga na titig pa lamang nito ay sapat ng kasagutan iyon. At hindi totoong hindi niya ito pinaniniwalaan. Hindi siya ganoong kagandahan, alam niya ‘yon sa sarili niya. Napakarami niyang insecurities sa katawan, sa kanyang sarili, pero kapag kasama niya si Giovanni at sa tuwing tititigan siya nito at bigla na lamang siya nitong sasabihan na napakaganda niya, pakiramdam niya siya talaga ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw. Sa ilang nakarelasyon niya, si Giovanni pa lamang ang nagparamdam sa kanya ng ganoon.

Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Inilapit niya rito ang mukha at hinalikan ito na agad nitong tinugon. Lumalalim sa bawat segundong lumilipas. Naramdaman niya ang mainit nitong mga kamay na lumusot sa kanyang puting sando. Napapaliyad siya sa marahan niyong haplos sa kanyang tiyan, paakyat sa kanyang dibdib. Saglit na nawala iyon doon, hindi naglalayo ang kanilang mga labi nang pinangko siya nito at dinala sa nag-iisang silid ng apartment niya. At doon hinayaan niya ang sariling malunod sa mundo nilang dalawa.

How Far Would You Go For Love?Where stories live. Discover now