16

8 5 14
                                    

RAMDAM ni Wretchel ang matinding tensyon dahil sa nakabibinging katahimikan na kanina pa bumabalot sa buong apartment niya. Nakaupo siya sa sala, bahagyang nakatungo. Ilang ulit na siyang napapapikit at ilang ulit na nagpakawala ng bigat na buntong-hininga. Hiindi niya malaman kung magsisisi ba siya o maiinis sa sarili dahil may nakakita sa kanila ni Giovanni na magkasama.

Sa hindi mabilang na pagkakataon, muli niyang tiningnan si Gio na nakatayo sa pintuan. Nakapamulsa ito at naroon sa labas ang tingin. Kanina pa ito tahimik. Hindi niya alam kung ano bang iniisip nito. Kung katulad ba niya ay kinakabahan ito dahil may nakakita sa kanilang dalawa na magkasama.

Nalipat ang tingin niya sa nakaupo sa kanyang harapan, kay JV. Tumahip ang dibdib niya nang agad na nagsalubong ang tingin nila. Nakikita niya ang pagkakasalubong ng mga kilay nito, ang nakatiim nitong labi. Kahit hindi ito magsalita, nababasa niya pa rin ang galit sa mukha nito, sa talim ng tingin niyo sa kanya.

Hindi siya sanay. Kalog itong tao, mapagbiro. Kaya naman ngayong nakikita niya ang kaseryosohan dito, ang galit nito, takot na takot na agad siya. Pakiramdam niya ay hinahatulan siya nito. Dito pa nga lang ay hirap na hirap na siyang harapin ang galit nito, paano pa kaya sa ibang makakaalam ng relasyon nila ni Giovanni? Paano pa kaya kung ang kanyang ina na iyon at ang Ate Wren niya? Napatunayan niyang hindi pa siya handa sa pagkakataon na iyon at tahimik siyang humihiling na sana ay huwag muna.

Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga  saka sinubukang basagin ang katahimikan, “Alam kong nabigla ka... pero sana kung ano man ang nakita mo...”

“Gusto m baong manahimik ako?”

Natigilan siya sa talim ng boses ni JV. Mas tumalim din ang titig nito sa kanya.

“Alam mo bang pi-no-proseso ko pa sa isip ko ang nakita ko, ha, Wretch? Kanina ko pa iniisip kung totoo ba ang nakita ko o namamalik-mata lang ako. Ayaw kong maniwala. Hindi ninyo magagawa iyon, ‘di ba?”

“JV—” subok na tawag dito ni Giovanni, na nakalapit na sa kanila, pero agad itong pinutol ni JV.

“Sir, bakit? Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa ’yo. Sa inyong dalawa. Kung ako nga, pakiramdam ko pinagtaksilan ninyo na ako paano pa kaya ang asawa mo?”

Walang umimik. Maski si Giovanni, hindi ito nagawang sagutin. Tahimik itong nakatayo sa gilid ng sofa at tanging buntong-hininga nito ang narinig niya.

“Gosh! Ni hindi ko dapat pi-no-problema ’to!”

Nasundan niya ng tingin si JV nang padabog na tumayo ito. Kita niya ang frustration sa mukha nito nang napapikit ito at nasabunutan ang buhok. Agresibo sila nitong hinarap.

“Hindi man lang ba kayo natatakot? Paano kung may makaalam na iba? Paano kung malaman sa store? Paano kung malaman ng asawa mo, ha, Sir Gio? Hindi man lang ba kayo natatakot sa magiging kahihinatnan nitong ginagawa ninyo?”

Mariin siyang napapikit. Mariin niyang naikuyom ang mga kamay. Para nitong binibigkas para sa kanya ang lahat ng takot niya. At mas matibay ang dalang takot niyon sa puso niya nang marinig iyon mula sa iba.

“Alam namin na concern ka lang sa amin, JV. Thank you. But please, hinihiling ko ang pang-unawa mo...”

“Sir Gio.”

Napatingala siya sa nobyo nang kunin nito ang kamay niya at mahigpit iyong hinawakan. At muli nitong tinakpan ang takot niya sa sunod nitong sinabi.

“Mahal ko si Wretchel, JV. Mahal namin ang isa’t isa. Kung ano mang kahihinatnan ng relasyon namin, handa kami roon. Haharapin namin iyon ng magkasama.”

Napasinghal si JV.

“Gosh! I can’t believe you!” asik niya at padabog na lumabas ng apartment.

How Far Would You Go For Love?Where stories live. Discover now