Chapter 1

6.4K 231 143
                                    

RHOANN

“Rhi, door!” inis na sinipa ko si Rhiri na nasa tabi ko. Antok na antok pa ako, I woke up beside her. Hindi ko nga alam kung paano itong nakapasok sa condo ko without an access.

Rhiann and her kind of way. Tss.

“Rhiri,” gigil na inagawan ko ito ng kumot para naman mapilitan siyang umalis na sa tabi ko at pagbuksan ng pinto ang taong nasa labas.

“Damn,” I hear her groan. Hinayaan ko na lang. I badly need a good rest. Sinilip ko kung ano na ang ginagawa ng magaling kong kapatid.

Wearing only her sports bra. Tumayo ito para kumuha ng robe, magulo pa nga ang buhok niya at halatang antok na antok.

Bakit ba kasi hindi sa bahay umuwi ang isang ito? Ang laki-laki ng bahay namin para lang kay Momma and Mommy. Well, technically may mga kasama sila sa bahay. But still.

Tsaka isa pa, I have a spare room sa tabi lang nitong kwarto. She could've at least sleep in there para sana hindi ko na siya inistorbo sa tulog niya.

Pero dito niya pa talaga naisipang tumabi sa akin.

Aww, my baby sister is being clingy na naman. Miss na yata ako.

“At this wee hour? Seriously?” inis na bulong nito bago lumabas ng kwarto. Panay pa rin ang doorbell ng kung sino. Doon na rin ako napabangon.

Wala akong inaasahan na bisita.

Yawning, tuluyan na rin akong umalis ng kama. Sa sunod sunod na doorbell kasi, nawala na nang tuluyan ang antok ko.

“Rhi, tutukan mo ng baril ang kung sino mang nilalang na ‘yan na nasa labas ah.” sigaw ko pa bago pumasok ng banyo para mag toothbrush.

Naligo na rin ako dahil mag ga-gabi na, ilang oras ba ang naging tulog namin ni Rhiri? Grabe, kaya pala may nambubulabog na. After a quick shower, lumabas akong banyo ng naka pulupot lang ang towel sa katawan ko. I made a quick glance rin sa salamin na madadaanan ko bago maka-puntang closet.

“Ganda ko,” I said.

Skirt and tops lang na pinarisan ko ng boots ang pinili kong suotin. This outfit is so chic kasi for me. Masyadong maraming nagkaka-crush sa akin kapag ganito suot-an ko.

“Rhi, kain tayo sa labas!” malakas kong sigaw dahil papalabas pa lang ako ng kwarto. Na parang ang sarap bumalik matapos makita kung sino ang kausap nito.

Si Momma.

Mukhang pinagagalitan si Rhiann dahil nakayuko na lang ang isa habang walang imik na nakatayo sa harapan ni Momma.

Gagi, sabi ko pa naman tutukan niya ng baril ang kung sino mang nasa labas— na mukhang sinunod niya dahil may hawak na 45 caliber si Momma.

Ang tanga lang Rhiri.

“She told me to use it to whoever it is behind that door, Momma.” napataas ako ng kamay ng parehong napatingin sa akin ang dalawa.

Shocks!

Bakit parang kasalanan ko pa? Hindi lang naman ako ang naistorbo ang tulog, di ‘ba? Tsaka parang hindi siya nagmura at nagdabog habang lumalabas ng kwarto. Sabi pa nga niya damn. Means minura niya si Momma.

Tapos ako itong sasalo ng masasamang tingin nila.

“May isip ka naman, Rhi. Por que sinabi ko na tutukan mo ng baril, gagawin mo na. Kung sinabi ko ba na i-kiss mo ang kung sino man na nasa labas kanina, ki-kiss ka talaga?”

“Of course not.” angil nito. “I am not like you ‘ no. I’m not malandi.”

“Exactly,” ikinumpas ko pa ang kamay ko sa ere. “Momma, let’s eat sa labas ‘ha. Libre mo. I’m broke.”

Sweetest LieWhere stories live. Discover now