Chapter 4

3.6K 198 55
                                    

Warning: Switching ahead. Change of vocabulary.

RHOANN

“Ma’am..?” nawiwindag ako sa bawat papel na nilalagay niya sa center table. Pagkatapos ng klase namin ay dito na ako tumuloy. Si Eva naman ay nauna nang umuwi dahil may pasok pa raw ito sa restaurant na pinagtatrabauhan.

Chismis ko nga si Tita Ross mga next day about my cousin’s case. Tapos sabihin ko sa kanya na ipaubaya na lang sa akin ang pag-buhay sa babaeng iyon.

Mapera naman ako dahil sa nanay niya.

“My former student assistant accidentally deleted the soft copy of these files. I need it by next week.”  kung kanina ay simpleng high-waist pants at polo shirt na uniform ng school ang suot niya—for teachers— ngayon naman ay nakapang formal na ito. Malaya na ring nagsisilaglagan ang makapal at itim na itim nitong buhok.

Minamadali na nga niya akong kunin ang files dahil maaga raw siyang maga-out ngayon. Napapasimangot na lang talaga ako dahil hindi masusunod ang plano kong pag tambay sa office niya.

“Can I do this bukas na lang, ma’am?” natigil sa paghahanap ng files si Miss Amira bago tumingin sa akin na para bang ang bobo ko. Hindi ako bobo. Matalino pareho mommies ko ‘no. Sa kanila ako nagmana.

“That’s why I’m allowing you to bring these home?” sabay pakita ng files na hawak niya. Doon na ako napasimangot ng tuluyan. Hindi niya ba alam na kaya hindi ako nagrereklamo sa pinagagawa niya kasi naco-comfort ako ng amoy niya? Tapos gusto niya na sa bahay ko gawin ang mga ito?

Wala naman siya sa bahay namin.

Kaya hindi ako sisipaging gawin ang mga ito. Kainis si ma'am. Akala mo natutuwa ako sa ginagawa niya.

“Bukas, dito.” nakatayo lang ako habang ito ay prenteng naka-upo sa single couch.

Miss Amira shake her head.

“I won’t be here tomorrow.” hindi ako papasok bukas.

Wala naman pala siya.

But…

Si Eva.

Oo nga pala. Papasok ako bukas, ayaw kong iwanan na lang uli ng mag-isa ang isang iyon.

Mahirap na. Baka maagang mapatay ni Rhiri ang mga nang-aaway kay Eva.

“Where you going po?”

“I don’t need to fill you such information, Vargaz.” masungit nitong turan.

“Daya,” bulong ko bago kinuha ang mga papel na pinagagawa niya sa akin. “Pahiram ng laptop. Wala po akong laptop.” kahit na kabibili ko lang naman kahapon kasama si Eva.

Bale tatlo na iyong laptop sa kwarto ko. Iyong isa naiwan sa condo, iyong isa naman na bigay ni Momma nasa kwarto, plus the same macbook I bought yesterday.

Naglabas ito ng card tsaka iniabot sa akin.

Seriously?

What’s wrong with these people?

“Ma’am maybe we got lost in translation. Kailan pa naging laptop ang credit card? Magkano credit limit nito? Pwede akong bumili ng sarili kong mundo? Tsaka kunin mo na lang kaya akong student assistant niyo. Nahiya pa kasi kayo.” nakatingin lang ito sa akin hanggang sa matapos akong magsalita.

Miss Amira chuckled. It looks good on her. Tawa lang siya ng madalas kahit na halata namang hindi genuine.

“Sure,” sa dami ng nasabi ko, hindi ko alam kung alin doon ang sinagot niya.

Baka kasi ako, kaso hindi pa naman ako sa kanya nanliligaw kasi imposible. Ang advance naman ni ma’am if ever. Hindi ko pa siya fully crush. Nagc-crave lang ako sa amoy niya tapos nagagandahan sa kanya.

Sweetest LieWhere stories live. Discover now