Chapter 11

3.7K 185 40
                                    

RHOANN (to Kaliya)

“Bakit iba na ang kulay?” tanong ko sa hawak na MacBook ni Eva. Hindi naman ‘yan ang binili ko sa kanya last week. Mas mahal ‘yan, I know kasi ‘yang version na mismo na ‘yan ang hinahanap ko noong bumili kami.

Pero out of stocks sila.

“Mas mahal din ito, gagi. Nakipag-barter ka? Kanino?” may hula na ako kung kanina ito galing pero gusto kong sa kanya mismo manggaling. Kahapon kasi ay umuwi ako sa bahay dahil nawalan na ako ng ganang mabuhay nang makita ko ang pagmumukha ng panganay na anak ni Tita North.

Bakit pa kasi nabuo ang isang iyon? Wala tuloy akong choice kung hindi ang makipag staring contest kay Death na umiinom na naman ng yakult ko. Akala mo talaga walang ganoon sa lugar nila. Patay gutom ang nilalang.

Talagang iniwan siya ng magaling kong kapatid sa bahay namin.

“Hindi,” sagot nito. Gusto kong umirap. We’re here sa library to study dahil finally, hindi na ako pinalabas ni Sir. Hindi na siya galit sa akin kasi wala naman talaga akong ginawa sa kanya.

Wala rin akong balak na pumunta sa office ni Miss Amira, para saan pa? Hindi naman niya ako kailangan. Kung gusto niyang may tumulong sa kanya na mag-check ng papers ng mga students niya, magpatulong siya sa anak ni Tita North. Tutal mukhang close naman silang dalawa.

“E ano nga? Bakit iba na ‘yan?” kulit ko pa. Gusto ko lang naman malaman kung nasaan na iyong binili namin kasi alam ko namang galing kay Monster itong bagong MacBook niya.

Ganyan na ganyan kaya ang dala ni Miss Portia kanina sa klase niya sa amin. Parehong pareho silang dalawa ni Eva. Hindi kasi sila matatawag na couple kaya kahit sa MacBook na lang daw.

Isusumbong ko talaga kay Tita Kamari ‘yan, ang bata-bata pa ng pinsan ko, kino-corrupt niya na.

“Wait, this looks familiar. Katulad ng kay---” I was just trying to tease her na lang dahil halatang hindi niya na alam ang sasabihin niya kaso epal naman ng librarian. Ang ingay ko raw.

Papadalhan ko ‘to ng papatay sa kanya mamayang gabi, nakita niya ng inaasar ko ang pinsan ko ‘e. People now a days. Tss, tss, tss.

Tinitigan ko si Eva, pero ininguso niya lang ang ginagawa naming dalawa na kanina pa pero hindi pa rin kami nangangalahati.

“Ayoko na,” I finally utter. Kanina ko pa gustong sabihin sa kanya. “Tinatamad na akong mag-aral. Let’s go sa cafeteria? I wanna eat.” isa-isa kong niligpit ang mga gamit na ikinalat ko lang talaga sa mesa. Pinagpatong ko na rin ang mga books na kinuha ko pero hindi naman related sa subject na inaaral namin.

“Mamaya na, tapusin na muna natin ito.” pigil nito sa akin. Hind ako makapag-focus sa pag-aaral kahit na anong gawin ko. Palagi ko lang naiisip iyong nakita ko kahapon sa office ni Miss Amira.

And I hate my mind for thinking how perfect that waist of her on his arm. It feels like that waist was perfectly made for his veiny arms. Hindi ako makatulog dahil doon, gusto ko biglang manapak. Hindi ko nga lang alam kung sino ang pwedeng sapakin.

“Let’s go na, I’m hungry. I want ano, chicken and pasta.” umalis akong dala ang mga books para ibalik sa kung saan ko ito nakuha. Shevaya had no choice na rin kung hindi ay ang magligpit ng mga gamit niya at samahan akong kumain.

My treat, using her money na hindi niya pa alam na pera niya. She’ll know it, soon. 

Paglabas namin ay nakasalubong namin sina Hilaga at Sutara. They’re going to the cafeteria rin din yata.

“Kamusta ka? Ang pandak mo naman.” I said, kahit na ang totoo niyan ay kakakita lang namin kahapon sa mismong lugar kung saan kami ngayon papunta.

“Gagu ka, gusto mo isumbong kita kay mama? Sabihin ko na tinawag mo akong pandak?” I just laugh it off. Hindi naman ako aanuhin ng mama niya kahit sabihin niya pa na binu-bully ko siya.

Sweetest LieWhere stories live. Discover now