Chapter 6

3.2K 187 93
                                    

RHOANN

“Get out.” napalabi ako ng umalingawngaw sa buong classroom ang sigaw na iyon ng professor namin. Nag-aalalang tumingin sa akin si Eva pero nginitian at kinindatan ko lang ito—telling her that I will be fine. “P.O.D for you, Miss Vargaz.”

Lihim akong napa-yes at nagmamadaling kinuha ang bag ko bago patakbong nilabas ang classroom.

Hala, the world is healing, nasa labas na uli ako. Lumiko ako pakanan para puntahan si Miss Amira. Saktong nakasalubong ko sina Aquilo kaya kumaway ako.

“Where you going?” tanong ni pandak. Matangkad naman ang Mommy North niya, pero kinulang yata siya sa vitamins noong bata pa.

“Jan lang, sa tabi-tabi.” walang kwenta kong sagot.

“Pupunta kaming cafeteria. Sama ka?” kilala ko naman sila dahil katulad ko, we belong on the same circle in the elite society. Minsan ko nga lang silang nakaka-usap. Ngayon lang dahil I found out that they are friends with Eva.

Syempre, kapag mabait sila sa kadugo ko–I will double it, and give to the next person's.

“No, kay Miss Amira ang punta ko.”

“Anong ginawa mo?” I shrugged bago patawa-tawang iniwan ang mga ito.

Anong ginawa ko? Wala naman, just a small thing para makita ang aking irog—I mean, ‘yong babaeng gustong gusto ko ang perfume. Kaya rin gustong gusto kong nakatambay sa office niya dahil sa amoy niya ‘e.

“Hello, Miss Nieves. Good morning,” ito lang ang naabutan kong tao sa faculty office. Tumawa si Miss nang makita ako.

“You’re here again,” she shook her head. Tumawa ako ng bahagya.

“Suki po ako ni Miss Amira.”

"Tuloy ka lang, it's not even locked." dumeritso ako sa office ni ma’am. Ganitong oras kasi ay may pasok iyon sa first year. Tapos mamayang hapon ay sa department namin pero hindi mismo sa block namin. Makiki-seat in na lang ako mamaya sa klase niya. Ayaw kong pumasok sa amin.

Gaya nga ng inaasahan ko ay walang tao doon, hindi naman ito ang unang beses na madadatnan ako ni Miss sa office niya. Minsan nga nakakatulugan ko na ang paghihintay sa kanya. Napapabayaan ko na tuloy si Eva.

Sabagay, iba na ang umaako sa pag-aalaga sa kanya.

Napatingin ako sa istitik na calendar na nakapatong sa table ni Ma’am. Friday na pala ngayon, at bukas na iyong balak nilang pag-beach ng mga kaibigan niya.

Paano ko nalaman?

Ha’ I’m a Vargaz, I have my way.

Na-contact ko na rin naman iyong on-call pilot ni Momma dahil sasama ako kay Miss, hindi niya alam na sasama ako sa kanya pero ako alam kong sasama ako.

Sumandal ako sa couch bago nangingiting tumingin sa picture ni Miss Amira na nakasabit sa wall.

Mukhang crush na nga talaga kita, ProfessorAmira. Ayos lang naman siguro iyon, hindi ba? Si Miss Portia nga crush si Eva, si Momma na dating student si Mommy, kaya para talaga kami sa isa’t isa ni Ma'am.

“I am not sure if it’s in my files. You haven’t checked it sa portal ba?”

“I did, but the file ain’t existing.”

Napa-ayos ako ng tayo ng bumukas ang pintuan at sabay na pumasok ang dalawang professor na hindi ko inaasahan; iyong isa inaasahan ko na pala. Pero iyong kasama niya…

Lihim akong napalunok.

“G-good morning, Miss.” sabay na kumunot ang noo ng mga ito.

“What are you doing here?” masungit na tanong ni Miss Amira, tumingin naman sa suot nitong relo si Miss Portia.

Sweetest LieWhere stories live. Discover now