Chapter 15

3.8K 180 87
                                    

RHOANN

“Ma’am…” I softly called her. Yakap-yakap pa rin ako nito, at halos ayaw na nga akong bitawan. Hindi ko naman masasabing naiilang ako. Kaso nga lang ay ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Palagi ko itong nararamdaman kapag nakikita ko si Miss Amira, hindi ko alam na may mas ilalakas pa pala kapag ganitong kalapit siya sa akin. 

“Don’t just leave like that.” bulong niya, kita mo itong babaeng ito. Paanong hindi ako aalis ‘e pinalayas niya ako. May pasabi-sabi pa siyang eat dinner elsewhere. Tapos ngayon sasabihan niya akong huwag basta-bastang aalis.

May saltik ba siya?

Malaki ba ang sapak niya sa utak? Kasi kung oo, hihi. That doesn’t make her less attractive.

“Pinaalis niyo kaya ako.” sagot ko na lang. Not sounding as if I am trying to prove some point kasi baka mauwi na naman sa pagtatalo tapos siya na itong kusang umalis sa mga bisig ko.

“Kahit na, kahit sinabi ko ‘yon, you shouldn’t leave. You must stay dapat.” mahina akong natawa na nakaani ng marahang hampas mula ssa kanya.

“Meaning po ba ng ‘don’t leave’ niyo ay ‘stay with me’?” she hesitantly nods.

“Everything I say, you must stay.”

“Luh?” muntik ko pa siyang mahila palayo sa akin dahil sa sinabi niya. Paano na lang pala kung sobra-sobra na ang sinasabi niya? Tapos the only option I have is to run-away? Away from her?

Akala naman nitong babaeng ito talaga, pasalamat siya professor pa rin siya sa L.I.S. Kahit wala naman siyang hawak na subject sa amin.

“Crush niyo ba ‘ko, Miss?” dahil sa tanong ko ay siya na mismo ang lumayo ng kusa sa akin. Wala itong sinabi, tumalikod lang siya tsaka nagsimulang maglakad paalis. “Ma’am…” habol ko. “I am asking you.” sambit ko pa.

“It’s getting late, I’ll cook pa.” pag-iwas niya.

“Bakit hindi mo muna sagutin ang tanon--”

“Gosh, Vargaz. Crushing is for teenagers, I am not one of them. I don’t crush over someone---pwede ba!” mukhang galit na ito, dahil nang harapin niya ako ay ang sama-sama na ng tingin niya. Halatang napikon sa tanong ko. Oo o hindi lang naman ang sagot.  “Manahimik ka if you still want to eat dinner at my place.” I motion my hand to zip my mouth.

Sabi ko nga, tatahimik na. Pero kapag napikon naman siya at sinabihan akong umalis, hindi na ako aalis. Kasi sabi naman niya kahit na anong marinig ko mula sa kanya; I must stay!

Stay!

Arf!

Lumakad na ito papasok sa building, walang imik na nakasunod lang ako. Hanggang sa makapasok kaming dalawa sa elevator, papasara na nga sana kaso biglang hinarang naman ng isang babae.

Naamoy ko agad ang pabango nito, kaamoy niya lang iyong babaeng kausap ko kanina. She’s as tall as me. Hindi ko nga lang makita ang mukha niya dahil sa suot niyang cap. Wala rin naman akong balak, at hindi rin ako ganoong ka-curious.

“Your eyes.” isang mariing kurot ang nakuha ko mula rito sa babaeng nasa tabi ko.

Napapangiwing lumapit ako rito, “ma’am..masakit.” daing ko dahil hindi niya talaga binitawan iyong balat kong kinurot niya.

“Kulang pa ‘yan, your eyes kasi, Vargaz.” nangingiting umiling ako.

Hindi ako crush ni ma’am pero nagseselos siya. Buti na lang talaga hindi ako pinanganak ni Mommy na manhid. Unlike my cousin, Eva.

Mamatay-matay na sa selos si Miss Portia, tapos she don’t have any idea pa. Grabe na lang talaga.

Naunang bumaba iyong babaeng sumabay sa amin, hindi ko na tiningnan dahil ramdam ko na talaga ang inis nitong isa. Baka hindi ako pagbigyan sa gusto kong kainin ngayong gabi.

Sweetest LieWhere stories live. Discover now