Chapter 21

2.8K 213 137
                                    

A/N: in the context of Dissociative Identity Disorder (DID), the term SYSTEM refers to the collection of distinct identities or personalities that coexist within an individual's mind and body. The system is like a headquarters of every alters they have.

RHOANN

Sensing my discomfort, Miss Amira requested to just go back to our hotel. Ngayon nga ay nakahiga ang kalahati ng katawan ko sa malaking kama habang ang mga paa ay nakaapak sa sahig.

I am busy scrolling through tiktok, ito namang kasama ko ay kanina pa pabalik-balik. Uupo kasi, tapos titingin sa phone niya, then tatayo.

Paulit-ulit lang.

Kaya hindi na rin ako nakatiis na huwag siyang tanungin, “ma’am, may problema ka ba?” ibinaba ko ang cellphone pero hindi naman ako bumangon. Nakakatamad kaya. Kung pwede lang matulog ay ginawa ko na.

Pwede naman palang matulog, pero sino ba kasing tao ang mas pipiliing matulog kung may kasama ka namang ganito kaganda?

“Nothing,” she hastily remove her gaze from mine. I shrugged my shoulder and continue doing my business.

Akala ko nga ay titigil na siya pero ganoon pa rin naman ang ginagawa nito. Hindi na rin siguro nakatiis kasi kusa na siyang lumapit sa akin. Extending her phone, she utter, “connect me to the wifi,”

Wifi lang naman pala ang nais, ang tagal pang sabihin. Hindi naman niya iyon ikamamatay. Palibhasa kasi mahina yata iyong isang wifi na ginagamit ng mga guess. Sa dami ba naman nilang ko-connect. Wala pa naman kasing service ang sim card sa kung nasaan kami.

“Just type the number 1 to 8, Ma’am.” Miss Amira’s jaw dropped. She was reluctantly hesitant. “I’m serious.” dugtong ko pa. Ayaw pa kasing maniwala. Akala mo ini-scam.

“Really?” taas ang isang kilay niyang sabi matapos makapaag-connect sa wifi. “Even a toddler can guess this password.”

Tahimik na tinalikuran ko si Ma’am, “edi sana hinulaan niyo na lang.” bulong ko pa.

“I can hear you, Vargaz.” mabilis kong binitawan ang cellphone tsaka tumayo. Nahihiya akong humarap dito. Her icy tone is sending shiver all over my spine.

“Joke lang, Miss.” isang matalim na irap lang naman ang nakuha ko mula sa kanya, ang taray.

Matapos niyang makuha mula sa akin ang bagay na pinaka-iingatan ko,  ang dangal ko. Ang kaisa-isang bagay na hindi ko ibinigay sa iba. Sa kanya lang. Tapos ganito na lang bigla-bigla ang trato niya. Ganyan naman talaga, hindi ba? People tend to treat you differently kapag nakuha na nila mula sa’yo ang bagay na inaasam-asam nila. Pinagsamantalahan ni Miss Amira ang kahinaan ko. Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang password ng wifi dito sa hotel, tinataray-tarayan niya na lang uli ako.

Tahimik na nag set-up na lang ako ng phone to film some tiktok dance challenge, siniguro ko talagang hindi makikita sa camera ‘yong isa na ang komportable na ng upo sa couch. Nakapatong pa ang isang binti sa kabila habang nagse-cellphone.

“What are you doing?” she ask, eyes were fixed on her phone.

“Filming.” tumayo ako ng medyo malayo sa camera, as the music started to play my body follows it rhythm. I caress my flat tummy as I am slowly moving my hips in every beat. 5 seconds before the video ends, nakita ko si Miss Amira na tumayo mula sa likuran ko, her arms are crossed, and she’s looking exactly where the camera at.

Her intense gaze is actually looking at it directly, na para bang binabantaan na nito agad ang mga taong manonood ng video ko. The music end, pero hindi ko pa rin magawang kunin ang cellphone ko.

Sweetest LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon