Chapter 23

3.1K 203 111
                                    

WARNING: The following content contains strong language and depicts distressing scenes that may cause discomfort. Reader discretion is advised. 

RHOANN

Katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa, tanging ang ingay lang ng makina na naglalabas ng tubig at ang tawanan ng mga bata ang maririnig.

Miss Amira sigh deeply, para bang maging ito ay nahihirapan din.

Kung tutuosin ay may karapatan akong magalit, pero dahil crush na crush ko siya palalampasin ko. Hehe. Not perfect are people, kaya bakit ako magtatanim ng sama ng loob kay Ma'am kung tamad akong magdilig?

Muli kong narinig ang malalim na paghinga ni Miss Amira.

"Halika na, Ma'am." malumanay kong pag-aaya. Hindi ko siya pipilitin kung ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Mauuna na sana akong umalis dala ang kalabasang uulamin namin ngayong tanghalian nang magsalita itong mula.

"Rk and I..." hindi ako humarap, maybe she'll feel more comfortable sharing it ng hindi ako nakatingin sa kanya. "I got pressured. After the graduation, Eris finally got the highest position in their company, Vanessa is already one of the highest paid model. Keighley having her own business while Portia; she got the highest GWA among us. A successful Professor and businesswoman. While me? I have to figured out things. I want to pursue psychology, but I also want to teach. I want to travel, rest for months but I am too pressured seeing how successful my friends are. In short, I don't know what to do with my life."

Ramdam ko, ramdam kong nasasaktan siya. Na nahihirapan siya. Am I making her uncomfy? Dahil ba ito sa naging tanong ko?

"What happened between I and Rk wasn't actually---I know I hurt her. I promise to her that I would help her, I would help you. All of you, but I ended up pushing you away. I didn't mean that. I...I h-have reasons. I swear, I have r-reasons..."

Pwede ko bang tanungin? Pwede ko bang sabihin na wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya? Pwede ko bang hingin sa kanya na ipaintindi sa akin ang kung anong naging rason niya para masaktan ng ganito si Rk?

"Ysabelle...she got kidnapped--"

Ysabelle...

Ysabelle..

Ysabelle.

Why is it so familiar?

Parang hinampas ng paulit-ulit ang ulo ko nang marinig ang pangalang iyon.

Ganito talaga pag-bobo, sumasakit ang ulo.

Pero fucki'n shit.

"Ah--" muli ko na namang nabitawan ang kalabasa, kawawang kalabasa. Siguro hindi yata talaga siya itinakda ni Lord para kainin ni Miss Amira. Ako kasi ang magiging kalabasa ng buhay niya.

"Fuc--"

"R-rhoann.."

May nakakarinding tunog akong naririnig, nakakabaliw sa lakas at tinis. Iba't ibang boses din sa paligid. Kulay puti...I am being drag to nowhere. And then suddenly, I found myself in the body of a twelve-years old Rk.

Panahong wala pa kami...

THIRD PERSON'S POV (PAST)

"Rk, ayaw bibigay ni Rhiri ng iPad ko!" patiling umakyat sa ikalawang palapag ang pangalawang anak ng mga Vargaz. Hindi na nga nito naisipang kumatok man lang sa kwarto ng Ate niya dahil mas inaalala niyang isumbong ang iPad na kinuha na naman ng bunsong kapatid.

"Rk! Kuha ni Rhiri ang iPad ko. And she's watching a tutorial on Youtube."

"Tutorial of what?" pinatay ni Rk ang iMac na ginagamit para mabigyan ng pansin ang kapatid na kulang na lang ay umiyak.

Sweetest LieWhere stories live. Discover now