Chapter 2

4.4K 198 47
                                    

RHOANN 

Hindi na ako pina-uwi ni Momma sa condo ko. Kinaladkad niya ako pauwi sa bahay namin, kaladkad iyon dahil labag sa loob ko. Samu’t saring kurot tuloy ang nakuha ko kay Mommy Reign. Kababae ko raw na tao, ang dami kong kalokohan na natatago sa katawan.

Tapos si Rhiri at Momma nanonood lang, hawak pa ni Rhiri ang isang bowl ng strawberries tapos inaabutan si Momma. Mga bad sila.

Kumalma rin naman agad si Mommy ng awatin ito ni Momma. Actually, muntik na rin palang madamay si Momma kung hindi lang ito nagsabi na kakain kaming apat sa jabee.

Nabitawan tuloy ni Rhiri iyong bowl ng strawberry tsaka pasimpleng lumapit sa amin. Natakot yatang maiwan. Hmp. Pero kung makangiti habang inaasar ako kanina parang hindi kapatid.

Momma Keres let us order what we want kagabi, tapos hindi na rin kami nakapag-dinner sa bahay. Para pa kaming nagmukbang sa dami ng butong naiwan sa tray.

Hindi tuloy maipinta iyong mukha ni Momma habang papauwi kami.

I can’t blame her. She go broke. As in broke-broke.

Natawagan ko na kagabi si Tita Harriet, siya na raw bahala sa kasal ko someday basta alagaan ko ang anak niya while she’s readying herself for her.

Ah.

Shevaya Calderon, but it will be perfect for Harrison.

Nangingiting pumasok akong banyo. Hindi gumana iyong word of wisdom ni Momma sa akin kagabi, tinanong ko kasi si Tita kung anong course ng anak niya. Architecture raw. Sinabi niya pa iyon na as if she’s a proud parent.

Kaya sabi ko sa kanya na kukuha rin ako ng architecture tapos dapat lahat ng subject na mayroon si Shevaya ay iyon din ang akin. Balita ko kasi na matalino ang anak ni Tita Harriet, papabuhat ako sa kanya hanggang sa pareho kaming gumraduate. Hehe.

Marami akong bagong damit na hindi ko na nadala sa condo at hindi ko na rin naisusuot, ang iba nga ay may price tag pa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong suotin, wala namang binigay na uniform pa si Tita Harriet kaya kumuha na lang uli ako ng skirt na hindi gaanong maiksi at iyong tops na hindi masyadong revealing.

Just enough to make me look presentable on my first day. Tiningnan ko ang phone ko, tsaka binuksan ang email dahil doon daw ise-send ng assistant ni Tita Harriet ang schedule ko na schedule rin ng anak niya.

Gusto kong magtatalon sa tuwa after seeing na wala siyang pasok ng mas maaga pa sa 7 AM. Finally, the world is healing, and the earth is changing.

Kaya mahal na mahal ko si Tita ‘e.

Saktong 8 AM ay bumaba na ako, sa laki at lawak ng bahay namin, Momma need to install elevator pa kasi tamad silang lahat na maglakad. Parang gagamit lang ng hagdan—pinindot ko ang button ng elevator, papunta sa first floor.

Bitbit ang bag at susi ay tumuloy akong dining area na aabutin pa ng isa o dalawang minuto sa paglalakad bago makarating.

Naabutan ko si Mommy na nagluluto. Wow, a dutiful wife and mother. Lumapit ako rito tsaka humalik sa pisnge niya.

“Nasaan iyong personal chef niyo, My?” I asked. Umupo ako sa island counter bago kumuha ng grapes na nakapatong lang doon for display.

“Wala, may utang ako sa Momma mo kaya ako magluluto ng breakfast.”

“You’re broke na rin ba?” tanong ko. Pumunta itong ref para ikuha ako ng fresh milk, nagsalin sa baso,  tsaka isinalang sa microwave to heat it for 45 seconds.

“Nope,” popping the letter p. Ibinigay sa akin ni Mommy ang gatas na ininit niya. “It’s like an unpayble dept, lubog ako sa utang sa Momma mo.”

Sweetest LieWhere stories live. Discover now