Chapter 8

3.8K 191 88
                                    

RHOANN

Hindi ako mapakali habang nakahiga sa kama, it’s quarter to 1 AM yet I am still awake. Tita’s outside, ang sabi niya ay may pupuntahan lang daw siya. Alam ko naman na kung saan iyon kaya hindi na ako nagtanong.

I don’t want the detailed information ‘no.

Mamaya kung ano pa ang i-kwento niya sa akin.

At dahil hindi rin naman ako makatulog ay lumabas na lang ako, I can hear the band from here rin naman kaya rin siguro ayaw akong dalawin ng antok. Cold wind embraces me as soon as I step out of the cabin.

Nakapag-mall na kami ni Tita kanina, I bought enough clothes for two nights and two days. Ngayon nga ay isang cotton pants at hoodie jacket ang suot ko. It’s so lamig. Hindi ko rin ma-gets kung bakit kaya nilang maligo sa pool at sa dagat ng ganitong oras.

Naglakad-lakad ako. Sa labas mismo ng resort--- hindi kalayuan ay may night market. Gusto ko sanang tingnan kanina kaso naman nagmamadali si Tita. Ayaw niya rin akong iwanan ng walang kasama kaya wala akong choice kung hindi ang sumama sa kanya pabalik ng resort.

“Ang lamig,” hindi naman tahimik. Rinig na rinig ko ang ingay sa open-bar mula rito sa kinatatayuan ko.

Usually, I will be there, drunkin’ myself until I pass out. Dancing, doing some body shot because that was my life before I entered L.I.S, ngayon naman ay ayoko na. Hindi naman mga ganyang bagay ang pinunta ko rito.

I had enough.

Ayoko ng ma-disappoint pa sa akin si Momma and Mommy. They may not say it right in front of me---I know deep down, they’re questiong themselves on what they had done wrong; para maging ganito ako.

Actually, wala. I may not remember my childhood---basta ramdam kong minahal nila ako ng sobra-sobra.

Siguro, isa na rin sa reason on why they don’t want us to be exposed publicly dahil na rin sa reputation na mayroon ang angkan namin. Harrison's bloodline is a well-known cunning business owner in the business world. An old-clan, makapangyarihan na kahit na mismong mga myembro ng gobyerno ay hindi nagagalaw ang sino man.

Our great grandfather--Momma’s grandfather--is a serial killer. That’s his under-job, he kills people. Milyon-milyon ang bayad sa kanya, mostly those politicians who want to play it dirty. Or minsan naman iyong mga businessmen na halang ang kaluluwa. 

It is not a secret naman na he's using our late Tita Khali. She was raised to be just like him—to be a weapon. To be his heiress. Kaya kahit ayaw ng great grandmother namin kay Tita Khali; wala naman siyang magawa.

And now, the Vargazes. A psychopaths.

They do believe that we kill for fun, for bloodlust. Mga gago pala sila e. they can’t even prove it. There's evidence, and that’s just purely hearsay!

Patuloy lang din ako sa paglalakad ng walang direksyon, nasa parte na nga ako na halos wala ng tao, just those lights na iba iba ang kulay para magmukhang maganda naman ang tabing dagat. This is why I hate having me time. Ang daming tumatakbo sa isip ko.

Kahit hindi naman talaga ako malungkot feeling ko malungkot ako.

Kahit nga wala akong utak, bigla bigla na lang akong napapa-overthink kapag mag-isa ko lang.

“What happened to you?” biglang pagsasalita ng kung sino.

“Hala, aswang. Hindi po ako masarap, hindi ako healty! Please don’t eat me. W-wala akong lasa!” napatalon ako palayo sa bulto ng tao hindi kalayuan.

“Girl, why are you so stupid?” napalabi naman ako nang makilala kung sino ito. It’s Miss Amira. Iyong babaeng iniisip ko kanina, at ang naging dahilan kung bakit ko naisipang lumabas ng cabin.  Tandang tanda ko na ang pitch ng boses nito kapag binabanggit ang salitang 'girl.'

Sweetest LieWhere stories live. Discover now