Chapter 22

3.5K 217 125
                                    

RHOANN

Fuck you, Kaliya.

Ang lakas ng loob mong agawin ang eksenang dapat na para sa akin.

Ang kapal din ng mukhang huwag akong pansinin, like how the hell did you do that? How can you easily block the system? How come you didn’t hear my protest?

AHHHH!

Wala na ang first kiss ni Rk, ang first kiss ko.

Pero okay lang, hehe.

Si Miss Amira na iyon.

Pero nakakainis, nandito na naman ako sa sitwasyong ako na naman ang haharap sa consequence na sila ang may gawa.

Mukha ba akong si superman?

Tapos ngayon ang lakas ng loob na huwag akong pansinin por que nakahalik na kay Miss Amira. That should be me ‘e. kissing her lips, that should be me!

Sheet na papel.

Napahawak ako sa malambot kong labi, I may not in control during that moment--but I feel it. I can feel it. And I can feel her…Rk.

Kaliya manage to triggered her without her knowing it. Mapait akong napangiti. Kapag matapang na uli siya, kapag kaya na niyang haraping muli ang mundong minsan ng naging marahas sa kanya. Alam ko, at naniniwala ako na balang araw---ako, si Kaliya at kung mayroon pa mang iba; maglalaho kami na para bang hindi man lang naging parte ng mundo niya.

Rk needs us, she needs us. At kapag hindi na, that’s the moment we will take our leave. Forever.

Haist.

Pero ang problema ko talaga ngayon ay kung paano ko haharapin si Miss Amira na hindi nahihiya, huhuhu!

I kissed someone who’s already in a relationship!

How dare you do that to us, Kaliya!? Hindi nagkulang sina Momma sa pagpapalaki sa atin kaya huwag mo namang hayaang maging kabit lang tayo.

We are more than just a kabit! Hindi tayo papayag. Dapat niya tayong panagutan.

Napakamot ako sa ulo bago pumasok ng banyo para maligo, nagising ako na ako na lang ang mag-isa. Hindi ko nga alam kung bakit sa sofa ako natulog gayong ang alam ko ay natulog ako; si Kaliya--kagabi na katabi si Ma’am.

Wearing a cargo pants and a loose shirt, bumaba ako ng hotel na hindi man lang napapatuyo ang buhok. Naabutan ko silang nagkakagulo sa field, malakas na music din ang nangingibabaw sa buong lugar.

A zomba dance at this wee hour?

Seriously?

Ang daming nagi-enjoy pero mukhang mas marami ang gusto pang matulog sa kanya-kanya nilang tent. Kahit ako rin, mas gugustuhin kong matulog kaysa ang sumayaw ng ganyan kasama ang maraming tao.

“Right, follow me, students! Move your body ey! Left, right! Left! Left and right! Just like that, move you hips, move your head and shake your hands~~” hinanap ng mga mata ko si Miss Amira sa kumpol ng maraming tao.

Akala ko nga ay isa siya sa sumasayaw sa unahan kasama ang ibang facilitators pero nasa gilid lang din pala.

Wearing a pair of gray gym-clothes, mukha itong wala sa mood habang nakahalukipkip na tumitingin sa mga tao sa harap niya. Or baka resting bitch face na talaga ang mayroon siya kaya kahit onteng tulala lang akala mo pasan na pasan na ang lahat ng galit sa mundo.

Why is she being this pretty? Ang aga-aga pa e’.

I yawned, aalis na sana ako kung hindi ko lang narinig ang announcement ng babae sa unahan.

Sweetest LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon