Chapter 16

3.6K 195 71
                                    

A/N: if you have time, you can watch this video (i'll drop the link below.) For reference, and para na rin less cringe sa chapter na 'to. It's  a video lang naman about a person na may DID, and on how you can communicate to your alter internally. It's a bit off, but be open-minded na lang para mas maintindihan ng lahat. Love lots.

https://youtu.be/aSR9CBJRu6Y?si=xpRmJlLASQ_NROo2

WARNING: Triggering scene. (Self-harming)

RHOANN

“Ma’am, the chicken is so sarap, so juicy, and so yummy. I want more, Mommy!” uwian na, isang subject na lang pala. Kaso hindi na ako pumasok, aabangan ko na lang si Eva mamaya.

“Why don’t you leave my office now, Vargaz?” ayan. Sobra na naman siya kung mag-sungit. Akala mo hindi umiyak kagabi kasi hindi ako mahanap. Tapos kanina niya pa rin ako pinapa-alis kaso hindi ako umaalis.

“Eh--” I was rudely cut off by the sound of someone’s knocking at her door. “Come in.” sumama ang tingin sa akin ni Miss Amira dahil inunahan ko siyang papasukin ang bisita niya.

Si Miss Neives lang naman pala, “hello, sweetie.” matamis akong ngumiti rito.

Close kasi kami niyan, mabait kasi si Miss Neives habang si Miss Ynessa ay maganda. Walang kasing ganda.

“Hell---” once again, I was rudely cut off. Pero sige, wala akong tutol. Si Miss Amira na ‘yan eh.

“What do you need, Alvaro?” ay, Alvaro pala. Neives Alvaro. Pwede na. Pero ayaw ko ng surname niya. For some bad reason, it gives me ick. Nakaka-turn off naman ang surname ni Miss Neives. Hehe, kidding. Cutie-cutie kaya ng Alvaro.

“Oh, I’m here to give you this.” may hawak nga itong folder, tsaka ko lang napansin noong itinaas niya. “Okay na raw ‘yan, signature mo na lang ang kulang. Ire-release na rin bukas ang waiver sa mga students. While ‘yung bus ay dadagdag lang ng tatlo; and we’re good to go.”

Mariin akong nakikichismis sa pinag-uusapan nila.

“How about the place? Where do they going to sleep? Who suggested to change farm ba kasi?”

“No worries. May sobrang lawak na patagan sa bundok. Your students are safe to sleep there. Basta may tent. And tayo, as the facilitators; may four storey building malapit sa grape farm. Tanaw yung malawak na field kaya mababantayan pa rin natin sila.”

“May field trip kayo, Ma’am?” hindi ko na napigilang itanong. Ngumiti sa akin si Miss Nieves, tapos sama ng tingin lang ang nakuha ko mula kay Miss Ynessa.

“Yes, sweetie.” ay hala. Kung hindi ko lang crush si Miss Ynessa, baka si Miss Neives ang naging crush ko. She’s  pretty din kasi, tapos mabait, ang light ng aura na binibigay niya at higit sa lahat mukha siyang masayahing nilalang. “Exclusively for agri-students.” she continue filling me infos.

Napatango-tango ako, “ay saya--”

“I’ll sign this, you can go back to your class.” rude. Ang hilig niya talagang putulin ang mga sinasabi ko. “You can tag-along, Vargaz.” malamig niya pang dugtong. At dahil mukhang naubusan na nga siya ng pasensya ay lumabas na rin ako kasunod ni Miss Neives.

“Sorry about that.” I smiled at what she said.. “Ganyan na talaga ‘yan noong college namin. She’s so mataray kaya ‘no. Silang dalawa ni Portia,”

“Kaibigan niyo rin po sila?” kaso hindi ko man lang nakitang nakipaghalubilo ng casual si Miss Neives kay Miss Portia at Miss Ynessa, if it is work related pwede pa.

“No, I’m not part of their group. You know, they’re the pride of our university back then. Ynessa, Portia, Keighley, Eris and Vanessa. I badly want to be part of their group, everyone wants to be part of their circle actually.”

Sweetest LieWhere stories live. Discover now