Chapter 10

3.7K 177 48
                                    

RHOANN

I’m tired, and my bed is all I want and need for now. Ang hirap naman kasing kasama ni Tita sa iisang lugar. Sana lang hindi sa kanya mabwesit ng tuluyan si Eva kapag nagpakilala na siya bilang nanay noong isa.

Baka kasi kapag nainis ng tuluyan si Eva sa nanay niyang ang laki ng sapak sa utak ay siya na mismo ang magtakwil sa sarili niya.

Lalakas na dapat ang loob niya kasi anjan naman si Monster para akuin siya. Kaya kahit wala ang nanay niyang may saltik mabubuhay at mabubuhay siya.

“Gosh, I’m home!” malakas kong bigkas kahit na alam ko naman na ako lang ang mag-isa sa bahay na ito. May on-call maid naman kami. Tapos malayo naman ang gate sa bahay kaya kahit na maraming guards ay hindi rin ramdam.

I was about to go upstairs kaso bigla namang sumulpot si Rhiri mula sa kusina, may hawak-hawak na naman na strawberry ang kapatid ko. What is she doing here, by the way? Hindi ba ito kasama nina Momma sa London?

Akala ko oo, akala ko ako lang ang naiwan na naman, “you’re here.” she said.

“Penge!” aside sa chicken, Rhiann loves strawberries. Walang araw yata na hindi ito kakain ng ganyang fruit ‘e.

“This is mine. Anyway,” sinubo nito ng isahan lang ang fruit. Napangiwi pa ako kasi it’s kinda huge, tapos ganoon niya lang kainin. “I want you to meet someone,” bigkas nito kahit puno pa ang bibig.

“Sino?” itinuro niya ang kusina kung saan siya nanggaling.

“She’s a little peckish.” ako lang ba or her accent became thicker? Para na talaga siyang lumaki sa England. Sa tabi ni Queen Elizabeth. Nginang dila ‘yan ni Rhiri, ang baluktot.

“Your friend?” gusto ko na tuloy takbuhin mula rito papunta sa kusina. Bakit naman kasi ang laki ng distansya? Ang layo layo pa. Minsan lang may ipakilalang kaibigan itong kapatid ko.

“Nah, she ain’t my mate.” ‘Nah, she ayn ma’ maey.’ Tanginang accent ‘yan talaga. Sarap nilang pagbuhulin ni Momma. Mas malala nga lang sa kanya.

“Edi sino!?”

“You have no idea, innit?” napahawak na lang ako sa tainga matapos marinig ang sinabi nito.

Paano kasi magkakaroon kung wala naman akong inaasahang bisita ngayon?

Shoo, shoo, shoo!

Lubayan niya na ako! Bumalik na siya doon kay Momma! Tutal, silang dalawa lang naman ang nagkakaintindihan.

“Rhiri, mag-aral ka na ng tagalog. Please lang, maawa ka sa tainga namin!” I know I am being OA, pero kasi ang tagal niya na sa pilipinas hindi pa rin siya marunong mag-tagalog. Just how hard is it to speak filipino?

Hindi naman mahirap.

“It’s hard, I’d rather speak french.” right, she speaks more than ten different languages yet she can’t speak filipino. Ang daya! Tinuturuan naman siya ni Mommy before, until now. Pero baliko talaga ang dila ni Rhiri when it comes to this language.

Ako na lang minsan ang naaawa kay Mommy Reign, kasi hindi matuto-tuto ang student niya na anak niya rin naman.

“Bakit pala wala sina Momma? Kayo lang ang umuwi?” tiningnan ko ang babaeng nadatnan namin na kumakain sa kusina.

Parang wala lang dito na dumating kami ni Rhiri at nadatnan siyang namemerwisyo sa kusina namin.

“Ate, meet Death Vargaz, our cousin.” mukha pang proud na proud ang kapatid ko ng ituro nito ang taong nakatayo na ngayon. What was my height again? 5’10, and Momma’s 5’11. Tapos itong babaeng nakatayo sa harapan namin ni Rhiri habang kumakain ng hawak niyang sandwich ay mas matangkad pa sa akin.

Sweetest LieWhere stories live. Discover now