Chapter 20

3.7K 202 73
                                    

THIRD PERSON’S POINT OF VIEW (PAST)

“Rk--”  

“Your daughter?” nangingiting umiling si Yna. The little Vargaz reminds her of her friend--Keres Kasdeya. Cold, aloof, distant, and harsh. Unless it’s the people they like. Doon lang ito nagiging madaldal at ngumingiti.

“Still at school. Why don’t we start our session? So you’ll have time to bond with her?” Rk shook her head.

“I don’t want to, I don’t trust you. I want Ynes.”

“She’ll be home pero mamaya pa,” supposedly isang beses sa isang linggo lang ang session nila ng bata pero halos araw-arawin na nito ang pagpunta sa bahay nila. Her mother even bought the vacant lot sa mismong tabi ng bahay nila. Last month lang noong natapos ang bahay na pinagagawa, and Rk is living there independently.

Well, every corner of the house has a hidden camera, kahit nga sa loob ng banyo nito ay may recorder na nakatago incase of emergency.

Ayaw mang iwanan ng mag-isa ni Keres ang anak ay wala itong nagawa lalo na at nangako ang bata na makikipag-cooperate na siya sa doctor.

Rk is just 12, turning 13 for petes' sake. Tapos ngayon ay nakatira ng mag-isa. Tutol man ang lahat ay wala naman silang magawa. Either they’ll grant her request, or they will witness how she’ll lose her mind slowly.

“I’m hungry,” maktol ng bata. “I forgot to order food, and Ynes didn’t come to my house to cook for me. She also threw all of my can goods and instant food. Can…can you cook for me?” gustong matawa ni Yna sa nakikitang itsura ng bata.

Para kasi itong maiiyak na habang nakasimangot.

“Sure, sure. What do you want to eat?” iminuwestra niya ang kusina para sabihin ditong sumunod ito sa kanya. Matagal na siyang nagretiro sa trabaho, being a housewife is her dream kaya naman nang maikasal siya sa ama ni Ynes ay tumigil na rin siya sa pagtatrabaho.

Hindi man kasing yaman ng mga Vargaz ang lalaki, sapat naman na para mabigyan sila ng marangyang buhay.

Kung hindi nga lang sa kanya nakiusap ang kaibigan ay hindi niya pagtutuunan ng pansin ang kaso ng bata.

“F-fried chicken..” tila nahihiya pa itong sabihin ang bagay na iyon.

She already knew it, tuwina kasi ay may dalang pagkain ang anak niya galing sa jollibee. Alam naman niyang hindi ito kumakain ng ganoong pagkain kaya agad din niyang nahulaan na para sa panganay ni Keres ang mga pagkaing iniuuwi nito.

“Spicy..?”

“Naur! I don’t want spicy!” tumaas ang boses nito. "I don't like it!"

“Okay, okay. Relax. I was just asking, sweetie. No spicy, then. Breathe, hmm? Take a deep breath.” sinabayan niya ang paghinga nito ng malalim. Nasa ganoon silang sitwasyon ng biglang pumasok si Ynes dala ang tinake-out na naman nitong pagkain.

“Ynes!!” biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rk. Mabilis itong tumakbo papunta sa anak niya tsaka yumakap.

Damn, mukhang matutuloy nga yata ang binabalak ni Keres na ikasal ang anak ko sa anak niya. Fuck it, four years ang tanda ni Ynes sa bata. Por que kasi ganoon din ang pagitan ng edad nila ng asawa niya ‘e. but, anyway. It’s fine tho. Kami nga ng asawa ko ay sampung taon. Age is just a number, indeed. But fuck! They’re minors! Saad nito sa isipan.

“Mom,” bati sa kanya ng anak dahil hindi na nito magawang lumapit man lang sa kanya.

“You’re early.” she utter.

“Wala p-pong prof.” mabilis man ngunit rinig na rinig niya ang utal sa boses nito.

“Yung totoo?” tanong niyang muli dahil hindi sanay magsinungaling ang dalagita. Mahuhuli at mahuhuli mo ito, sa mailap na mga mata o hindi kaya madalas na pagkautal kapag hindi nagsasabi ng totoo.

Sweetest LieWhere stories live. Discover now