Chapter 3

4K 199 73
                                    

RHOANN

“What?!” napalayo ako nang kaunti kay Tita Harriet ng marinig itong sumigaw, kahit nga ang secretary nito na dapat ay magdadala lang ng inumin sa akin dahil humingi ako ng juice—nahulog pa. Nabasag tuloy iyong baso.

Hindi naman pinansin iyon ni Tita, mas concerned pa siya sa chismis ko sa kanya about her daughter.

“Just knock on her door and claim her yours, Tita. Ikaw din.” iyong carrot cake na lang ang kinain ko dahil wala nang pag-asa ang juice na ngayon nga ay nag evaporate na yata sa carpet ng office ni Tita Harriet.

Napangiwi ako sa nakita. Yikes!

“No,” tumayo ito mula sa kina-uupuan. “No,” she said as she is facing the glass wall na tanaw na tanaw ang mga building at establishment na nasa baba. “I can’t—” para pa itong mauubusan ng pasensya habang nag-iisip.

Well, I told her that they aren’t treating her fairly. Or kahit man lang bilang tao na lang sana.

Lahat ng classmate niya ay hindi siya nilalapitan.

That’s what I’ve found.

And ah, I really love to be her friend.

“You know what,” inabot nito ang bag tsaka may kung anong hinanap sa wallet. At nang makita ay ibinaba niya sa table tsaka ini-usog papalapit sa akin. “Buy her everything that she needs. Laptop, iPad, phone, materials. Does she need an internet connection ba sa bahay nila? I’ll call someone right away. Buy her clothes, shoes, bags. Just buy everything.”

“Tita, relax.” saad ko. Dahan-dahan ko pang ibinulsa ang card na ibinigay niya. Mahirap na at baka magbago pa ang isip nito.

This is limitless pa naman, gonna treat Eva everything that she needs tapos bibili akong sariling private aircraft. Aayain ko na lang siya kapag gagala kami sa ibang bansa. Tutal sa nanay naman niya galing ang perang ipambibili ko.

Or I’ll buy the entire bookstore for her na lang since everything that she needs are in there naman. Yup, I’ll buy it for you, Eva

“Rho, that ain’t for you lang. That’s for my daughter, too.” I stood up and wave at her. Hawak ko na ang card na ibinigay niya.

“Yeah, yeah. I know.” kumindat ako sa secretary ni Tita pagkalabas ko. “Nice legs you got there.” I said. Lumihis kasi ang suot nitong skirt kanina habang nililinis ng nabasag na baso.

Namumula ang mukhang nagbaba ito ng tingin. Natawa na lang din ako, she’s cute. Her reaction got me. Binilisan ko na ang paglalakad dahil may pasok pa ako, for some reason nga—parang mas gusto ko na lang palaging nasa skwelahan. Unlike before na halos isumpa ko ang S.G.U.

Pinaglalaruan ko ang susi sa kabilang kamay habang naghihintay na bumukas ang elevator. Yayayain ko uli mamaya si Eva na mamili ng gamit dahil kulang-kulang pa rin ako.

I shake my head.

I am kulang-kulang, for real. I told her that yesterday. And she just look at me as if I am some sort of weird specimen.

Kinapa ko ang card na nasa bulsa tsaka natatawang umiling.

I bought everything for her, yesterday, tita. From her materials to gadgets, and even wifi. Gusto lang talaga kitang huthutan dahil ayaw nang ibalik sa akin ni Rhiri ang card ko.

At isa pa, may pangkain na kami ni Eva palagi.

Dumaan muna ako ng KFC para kumain, nag-breakfast naman ako kanina kasama nina Momma. Kaso wala na akong kasamang kumain mamaya at bukas dahil nga maaga silang umalis papuntang UAE for her business expantion.

Sweetest LieМесто, где живут истории. Откройте их для себя