Chapter 9

3.7K 163 127
                                    

RHOANN

Hindi ko alam kung anong oras na kami nakabalik ng resort ni Miss Amira, kung hindi pa ito nagreklamo na napapagod na siya ay hindi pa namin maiisipang umalis. Wala naman kaming napag-usapang marami.

Mas lamang pa iyong haba ng oras na pareho kaming tahimik.

Napahikab ako bago bumangon, inayos ko na rin ang kama bago pumuntang banyo para maghilamos at lumabas ng nakapantulog pa rin.

Mamayang gabi na rin naman ang uwi namin ni Tita Harriet, hindi ko alam kung anong magandang gawin. Either to look over Miss Amira, or to swim.

Kaso hindi nga pala ako marunong lumangoy, kainis. Bakit ba hindi ako sumama kay Rhiri noong nag-enroll siya sa swimming class? What am I even doing with my life during those time?

Hindi ko nga naalala na nagkaroon pala ng swimming class ang isang iyon. Kung hindi pa nila sa akin nakwento kasi sabi ko the pool in our house, iyong sa backyard maging iyong sa rooftop ay wala namang kwenta kasi walang gumagamit.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan kong paalis na si Tita, she’s dressed na rin, na akala mo may meeting lang na pupuntahan at hindi nasa beach.

“Great, you’re awake. Halika na.” tumaas naman ang isang kilay ko.

“Where are we going?” inaantok na tanong ko.

“Kakain, sa cafe jan sa labas. Come, don’t bother changing clothes. Wala namang magbabago.” I gape at her. She’s so mean, ang aga-aga pa tapos ganyan na ang tabas ng dila niya.

Pasalamat nga siya kasi sinamahan ko pa siya papuntang bora para sundan ang jowa niya.

“Lunch na ‘ko lalabas, Tita. Dito lang muna ako.” I said before laying down on the couch.

“Sure ka?” yung tono pa ng boses nito ay parang sinasabi na huwag akong magsisisi kapag hindi ako sumama sa kanya. Bukod kasi sa inaantok pa ako, ay tinatamad din akong lumabas pa. Hindi pa nga ako nakakaligo, paanong gaganahan akong lumabas para lang magbreakfast?

“Yup, go na.” itinaas ko pa ang kamay para lang sabihin na sigurado ako sa gusto kong mangyari. Baka nga kasama niya iyong kaibigan ni Miss Amira’ng kumain, tapos gagawin niya lang akong thirdwheel.

Imamainggit niya lang sa akin.

I know her too well, pareho ang dugong dumadaloy sa katawan namin. Sasabihin lang niyan na siya may jowa tapos ako wala. Hindi niya alam iyong anak niya humahabol sa kalandian niya. I chuckled at that thought. Kilala ni Tita Harriet si Portia, alam na alam kaya ng tita ko ang mga pinaggagawa sa akin ng monster na iyon.

What will be her reaction kaya kapag nalaman niyang nababaliw ang isang Portia Amor sa anak niya?

Magyayabang ba ‘yan o mai-stress?

Balak ko na sanang matulog dahil inaantok pa rin ako ng biglang tumunog ang phone ko. Indicating that someone message me. Ilang minuto na rin noong lumabas si Tita. Tumayo ako para hanapin iyong phone na naiwan ko pa pala sa maliit na table malapit sa may maliit na cabinet.

It’s Tita Harriet, she sent me a picture. Hindi ko naman binuksan, wala nga dapat akong balak na buksan ang message niya dahil wala naman akong paki-alam sa kung anong ginagawa niya ngayon. Kaso nag-message uli ito.

Harriet Harrison

[sent a picture]

You sure you don’t want to eat with us?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kung ano ang picture na sinend nito. It was a picture of my professor na walang kaalam alam na kinunan na siya ng picture ng Tita ko.

Sweetest LieWhere stories live. Discover now