Chapter 19

2.9K 177 139
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW  (PAST)

"Momma, si ate...doesn't she love me anymore?" iyak ng bata matapos itong buhatin palabas ng kwarto. Kahit ano kasing pilit niyang pagpapakilala ay hindi siya nakikilala ng kanyang ate.

"No, baby, she loves you. Ate's just...she's..." hindi malaman ni Keres kung paano niya sasabihin sa anak ang nangyayari sa kapatid.

"Momma, I don't want her to forget me...it will hurt here po." itinuro nito ang dibdib. Natatakot siyang baka hindi na nga siya kilala ng ate niya. Natatakot siya na baka kinamumuhian na nga siya nito kaya ganoon na lang ang pakikitungo sa kanya.

Ilang buwan bang nawalay sa kanila ang kapatid? Walo? Siyam? Hindi niya na mabilang. Basta ang alam niya ay sobrang tagal. Sobra siyang nangulila sa kapatid at nang makabalik naman ito ay hindi na siya magawang makilala.

Nasa ganoon silang sitwasyon ng biglang pumasok ang kasambahay kasama ang doctor na kanina pa niya hinihintay. Hindi na rin naman alintana ni Keres kung nakapangtulog siya. Ganoon din naman kasi si Yna, mukhang nakalimutang magbihis sa sobrang pagmamadali.

Ang ikinataka niya lang ay kung bakit may kasama ito. Is she her daughter?

Yna likes her back then, noong nag-aaral pa lang sila. Hindi siya nito halos lubayan hanggang sa naging magkaibigan silang dalawa. Until Yna moved abroad para doon tapusin ang pag-aaral. And the next thing she knew is that her friend was inviting her to her wedding.

"Akala ko talaga bakla na ako dahil sa'yo, buti na lang hindi." she remember that exact line from her nang maka-usap niya ito noon.

"Is she having a panic attack?" tukoy nito sa batang buhat ni Keres, the latter shakes her head.

"I can handle her, my...my firstborn is in her room. Can you check her? She's having hallucination, she talk to herself most of the time..I'm afraid she h-has BPD." nabasag ang boses nito dahil sa huling sinabi. Having BPD is the least she wanted to for her child.

And no, death is not enough for the people who made her daughter like this. Jail will never enough either, fuck that law. She's Keres Kasdeya Vargaz. She'll have her own way.

"Ynes, can you hold this." iniabot ng doctor ang hawak na bag sa kasama nito. The teenage girl politely oblige. "Sorry, she's my daughter. She saw me rushing kasi tapos gusto akong samahan to make sure that I will arrive here safe."

Keres only nod for that information. Alam naman na niyang anak ito ng kaibigan. Mas importante ang kalagayan ng anak niya ngayon.

"Momma, ayaw ko na kita si Ate.." pigil ng bata ng akma siyang susunod sa mag-ina.

"Baby, your ate needs us."

"No po." takot na umiling ang bata. "She's mad at me." tsaka muli na namang naiyak sa kaalamang hindi na siya mahal ng ate.

"Hey, that's not true." pinunasan nito ang luhang natutuyo na sa pisnge ng anak. "Your ate loves you."

Rhainne Khalida, her second born. Kung siya ay kamukhang kamukha ang panganay, ito naman ay halos hindi nalalayo ang itsura sa asawa niya.

Her wife, Reign, is 3 months pregnant at that time when she ask her to have their second born right away. Anito ay gusto nito ng kambal pero ayaw niyang umiri ng dalawang beses sa isang araw.

God knows how much patience she had for her wife during their pregnancy.

Matapos kasi nitong iyakan ang pugo na nangingitlog ay siya namang pagpupumilit na ipagbuntis niya ang pangalawang anak nila.

Her wife even suggested na ipangalan sa kapatid niyang namayapa ang anak. She wants it too, kaya hindi na rin siya nagreklamo.

Nahihintakutang napatingin si Khali sa itaas ng makarinig sila ng sigaw. It's Rk.

Sweetest LieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang