Chapter 26

3.7K 224 88
                                    

THIRD PERSON'S POV (PAST)

"Aist, I feel so uncomfy." sumimsim sa hawak na kape si Portia matapos pasadahan ng tingin ang dalawang lalaking naka-upo hindi kalayuan sa may table nila.

Hindi rin siya nagdalawang isip na harap-harapan itong irapan.

"Hey, stop being so rude." binato ni Ynes ang kaibigan ng hawak na fries.

"Stop, hey." nandidiring awat nito. "Don't even let that fries touch my skin. Kadiri."

"Ang arte mo," natawa si Vanessa. Si Keighley naman ay tahimik lang na inuubos ang in-order na cheese cake.

"Who brings body guard pa ba kasi?" inis pa rin nitong tanong.

"My dad insisted. Simula ng mawala si Ysa, they're paranoid na."

"But really," napaayos ng upo si Portia dahil nakikita niya ang lungkot sa mga mata ng kaibigan. "It's been a year, no balita yet?"

Marahang umiling si Ynes. The same situation happened to Keres Kasdeya's daughter. Ang kaibigan ng Mommy niya.

Kaya kahit papaano ay umaasa siyang makikita niya pa rin si Ysa. Na sana, katulad ni Rk ay nakatas din iyon.

"I met her once, she's the daughter of your nanny, right?" muling tumango ng marahan si Ynes sa tanong ni Vanessa. "Right, your first best friend."

Natahimik ang apat, animo'y nagpapakiramdaman kung sino ang susunod na magbubukas ng topic. Ganoong eksena ang nadatnan ni West nang pumasok sa coffee shop kasama ang iilang kaibigan. Agad itong lumapit sa table nina Portia.

His guy friends were even teasing him, telling how lucky he was kasi nakaka-usap niya ang apat ng hindi siya tinatarayan ng mga ito.

"Hi," nag-angat ng tingin ang tatlo, maliban kay Portia na kung titigan ang kapeng hawak ay mas mukhang appealing pa iyon kaysa sa taong bagong dating. Speaking truthfully, mas appealing ngang titigan ang kape niya kaysa sa lalake.

"West," Ynessa stood. "May sasabihin ka ba?" tumango si West.

Malapit lang sa bahay ng mga Amira ang bahay ng mga Collins kaya hindi na rin iba sa kanya ang lalaki. Madalas pa nga itong pumunta noon sa kanila. Especially kapag nasa mansion si Ysabelle.

West's first love.

They've been investigating the crime happened year ago. Sa tulong ng iilang kakilala ni West ay kahit papaano nagkakaroon na rin sila ng lead kung nasaan ang kaibigan niya. Pero walang eksakto. Palaging false hope.

"I found something," nakayukong bulong ni West sa kaibigan. "We can talk about this later. Pwedeng sa bahay niyo, o sa bahay namin. Your call."

"Sa bahay niyo na lang,"taas ang isang kilay na nagkatinginan sina Vanessa at keighley dahil sa narinig. Si Portia naman ay ang sama-sama na ng tingin sa binata. Bago niya pa masipa ito palayo sa kaibigan niya ay tumayo na lang siya para bumili ng dalawang kape.

She's planning to go to her mother's office pagkatapos nila sa coffee shop.

Hinihintay niyang lumabas ang babaeng usual na kumukuha ng order nila ng biglang tumunog ang chime na nakasabit sa may pintuan. Pumasok ang batang babaeng may dalang dalawang malaking echo bag.

Iyon din ang oras na paglabas ng babaeng kanina niya pa hinihintay.

"Oh, Aya.." at imbes na siya ang unahin ng babaeng nagbabantay sa shop ay iyong bata pa ang unang pinansin nito. Tumaas ang isang kilay ni Portia.

She's a regular in this shop, pagkatapos kasi ng lahat ng klase nila ay dito na sila dumi-deretso kaya nakakapagtakang may nakikita siyang taong hindi pamilyar sa kanya. Not that she should know every people in the city. Wala siyang paki-alam, it's just that...the kid pique her interest.

Sweetest LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon