Chapter 14

3K 186 57
                                    

RHOANN

“I don’t need it,” gigil nitong ibinalik ang can goods na nilagay ko sa cart niya. Siya na nga itong tinutulungan ko.

Nag-aya kasi ng dinner sa place niya pero wala naman palang laman ang refrigerator. Kaya bumaba uli kami para pumuntang supermarket, na malapit lang sa building kung nasaan ang condo unit nito.

Puro fresh veggies, tapos meats lang naman mga pingkukuha niya. Pati iyong mga fruits ay hindi niya rin pinalagpas. Nakakita nga ako ng strawberry tapos naalala ko bigla si Rhiri. Hehe, hindi kasi lumilipas ang isang araw na hindi ito nakakakain ng comfort fruits nito.

Hindi naman din masarap.

My opinion lang naman.

“Heto, ma’am.” kumuha ko ng isang supot ng pancit cantoon. Miss Ynessa glare at me tapos ibinalik niyang muli sa dati ang kinuha ko.

“Hold this,” ibinigay niya sa akin ang cart na tinutulak niya kanina. “Put your both hand in here,” sinunod ko naman agad. “And just follow me.”

Gosh, why am I loving this side of her?like---yes, mommy…make me your slave tonight, and I’ll follow you for the rest of our lives.

Huhu, hindi ako pinaghirapang buohin nina Momma para lang maging alipin ng kung sino. Pero wala naman silang sinabi na bawal akong magpaalipin kay Miss Ynessa.

Yes, yes!

Obeying her!

“Hindi ka kumakain ng pancit can--”

“No.” hindi pa nga ako tapos sa tanong ko may sagot na agad siya.

Ganito siguro kapag matalino, medyo hindi ko kasi alam.

“Wala na ba tayong kukunin, ma’am?” pansin ko kasi na para na lang kaming naglilibot sa bawat aisle nitong supermarket. Mukha namang wala na siyang balak na bilhin pa. Pwede na kaming umuwi. Isa pa, padami na nang padami ang mga taong bumibili lalo na at ganitong oras.

May ibang galing sa klase, halos karamihan ay galing naman sa trabaho.

Tapos ako itong nakapang-mafia outfit na kanina pa pinagtitinginan. Cute ko siguro masyado kaya ganyan sila kung humabol ng tingin sa akin.

“Let’s go," nauuna siyang maglakad. Nakasunod lang din akk habang tulak-tulak la rin ang cart nito. "You pay for it, here…” inabot sa akin ni Miss Amira ang card niya tapos naglakad na palapit sa mahabang upuan—malapit sa may mga cart, at guards.

Tiningnan ko ang card, magkano kaya ang credit limit nito? Pwede ko kayang regaluhan si ma’am ng gold card? Or black? Or silver?

Muli akong napatingin sa banda nito, she was comfortably crossing her legs, tapos naka cross arms then while leaning on her seat.

Daya talaga nito, pareho naman kaming naghirap sa paglalakad para malibot ang buong supermarket, tapos siya naka-upo na habang ako ay nagtitiis sa ganito kahabang pila.

Nang turn ko na ay isa-isa kong nilagay sa counter ang mga items na binili. Lumawak lang ang ngiti ko ng makita ang chicken na ni-punch ni ate. Naiisip ko pa lang na iyon na lang ang ire-request ko kay ma’am mamaya ay nasisiyahan na buong pagkatao ko.

Iaabot ko na sana sa babae ang card ni Miss Ynessa nang biglang may humawak sa kamay ko.

“Kanina ko pa napapansin na ang ganda-ganda ng kamay mo---sorry,” he said after siguro marealize na hindi ako komportable sa hawak niya.

“It’s fine, thank you.” was all I can utter. Kasi naman, he doesn’t look manyak. In fact, I can pretty sense that he is gay. Sa pananalita pa lang.

Sweetest LieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora