Chapter 5

3.2K 179 82
                                    

RHOANN

Nagising akong sobrang sakit ng ulo, kung bakit; iyon ang hindi ko alam. Ang natatandaan ko lang ay iyong lumabas ako sa office ni Miss Amira, the rest were blurred na. Para akong uminom na hindi ko malaman. Hindi ko naman yata sinuway si Momma, di' ba? She’ll get mad at me for real kapag nalaman niyang nagpapasaway na naman ako.

Tapos isusumbong niya ako kay Mommy, makukurot na naman ako ni Mommy habang sine-sermonan, tapos manunuod lang si Rhiri habang kumakain ng strawberry; mangaasar pa.

Bumangon ako kahit sobrang sakit talaga ng ulo ko, parang gusto ko ng soup. Anything na makakawala ng sakit ko sa ulo dahil may pasok pa ako.

Labag man sa loob ay naligo ng mabilis, and for some reason—parang ayaw kong suotin ang usual na get-up ko kapag aalis.

Pang-ilang araw ko na ba ito? Bakit wala pa ring uniform? Should I call Tita Harriet and raise my concern about it? Or ako na lang mismo ang bibili tutal nasa akin naman ang card niya?

Ako na lang siguro. Kawawa naman kasi siya kung pati ako na hindi niya anak ay po-problemahin niya.

A wide-leg pants, and a fitted tops ang nakuha ko sa closet, wala na akong oras na pumili dahil alas otso na. Dadaan na lang yata ako ng kape sa SB bago pumasok. Pinaltan ko na rin ang bag na dala ko kahapon, iyong babagay sa suot ko ngayon.

Kahit na gustong gusto kong humigop ng soup ay wala na akong oras. I grab my car key and went to our garage. Inilapag ko sa passenger seat ang mga gamit na dala ko bago tuluyang binuhay ang makina at umalis. Dumaan muna rin akong SB kahit na kapos na talaga ako sa oras—cuz’ my head is throbbing in pain.

Sa hindi ko malamang dahilan.

Wala naman yata akong sakit, hindi ba?

Regular naman ang check ups ko dahil palagi kaming napapagalitan ni Mommy kapag nakakalimutan namin. And as far as I remember, I am fit and healthy.

Bumaba ako ng sasakyan matapos makapag-park. Nahirapan pa akong maghanap ng parking space dahil sa dami ng mga sasakyan ngayong araw.

God probably loves me for now dahil umabot pa ako sa first subject namin. Naabutan kong nagbabasa ng mag-isa si Eva. Inilapag ko sa table niya ang kapeng binili ko for her.

“Ano ‘to?”

“Kape.” with a duh tone dahil obvious naman kasi na kape ang dala ko, magtatanong pa. And nope, I am not in a mood.

“Ang sungit mo,” napangiti naman ako ng tanggapin niya ang kape ng hindi man lang nag-aalangan na. Great, I’m doing great, I guess. “Tapos mo na ba iyong miniature mo?” napapatangang napatingin ako rito.

“Mini—what?” at kailan pa nagkaroon ng project na hindi ko alam?

Si Eva naman e!

“Miniature, hindi mo alam? Hindi ko pa tapos iyong sa akin ‘e.” nagkamot ito sa pisnge, and I really find it cute. Hindi na pala kita masisisi kung bakit patay na patay ka sa isang ito, Portia. Pero kay Eva naman ako naaawa, for sure ia-under lang siya ng monster na iyon.

“Why is that?”

“Kinulang sa materials. Bibili ako bukas kapag sumahod ako.” palagi ko na lang nakakalimutang tawagan si Tita Ross. Bakit kasi ang liit ng pasahod niya sa mga nagwo-work sa kanila?

Paano na lang kung may katulad pa ni Eva na nagpa-part time sa resto, tapos kulang ang sahod?

Ang pera-pera pero ang tipid-tipid.

“Kumakain ka pa ba?” I suddenly asked. Isa pa 'yan si Tita Harriet, ang tagal-tagal kunin si Eva. She deserves the whole world ‘no. Sa sobrang pure ng isang ito—nakakapang-init sa dugo kapag nakikita mong ganito lang ang trato sa kanya ng mga hampas-lupang nandito sa L.I.S.

Sweetest LieWhere stories live. Discover now