CHAPTER 3

32 9 1
                                    

Isang malakas na sinag ng araw ang bumulaga sa mga mata ko, kaya napa kusot ako ng mata, may biglaan namang kumatok sa pintuan ko.

"M-Ma'am Calista, here's your breakfast," Ngiting abot nito sakin nang pagkain ko.

"Thankyou"

Ngumiti ako sakanya, "Hays salamat talaga panaginip lang lahat nang 'yon, akala ko talaga nakapatay ako eh!" Sarkastikang tawa ko sa sarili

Lumabas na ako ng hotel, sinalubong naman ako ni Nix, kaya binati ko ito.

"Nix" Sigaw ko sakanya.

"Caliee!"

Kiitang kita sa mga mata ni Nix ang lungkot at kaba, hindi ko alam bakit ganito ang reksyon niya.

"Oh? Why do you look so sad to see me?" I asked him

"It's okay now."

"Huh?" Takang tanong ko sakanya, hindi ko alam ang sinasabi niya sakin.

He furrowed his brow and hugged me tightly. "Caliee, everything's fine, you won't go to jail."

"Huh? ano bang sinasabi mo?" Sarkastikang sambit ko sakanya

"Caliee, 'yung na aksidenteng babae, naka burol na siya ngayon"

halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi niya, ibig sabihin hindi panaginip 'yon? napatay ko talaga 'yung babae sa panaginip ko? nag e-exist talaga yon? paano, bakit?

"Pupuntahan ko siya" Saad ko rito pero hinatak niya ang braso ko papalapit sakanya.

"Hindi ka pwedeng pumunta sa burol niya, Caliee, hindi kanaman pamilya"

"Pinatay ko s-siya?" humihikbi akong napaupo sa sahig, ang mga luha ko ay humahaplos sa pisngi ko

"Caliee, aksidente ang lahat hindi mo kasalanan."

"What did I do?" Tanong ko sakanya habang hawak ang dibdib ko, pinag hahampas ko ito habang humihikbi, walang nag tangkang patayuin ako, lahat nang tao ay nag sisitinginan sakin. Ngunit walang nag ta-tangkang lumapit sakin.

"Caliee, tumayo ka hindi mo kasalanan, okay na puwede kana ulit mamuhay ng maayos, okay?"

Umiling ako dito, niyakap ako nito ng mahigpit, at inilagay ang ulo ko sa dibdib niya habang himas himas nito ang itim kong buhok.

Dinala ako nito sa room ko, inabutan ako nito nang tubig pero nakatulala pa rin ako at iniisip ang nangyari.

Kinuha ko ang bag ko at inabot ang sobre na may lamang pera, "ibigay mo sa pamilya nung babae" abot ko rito.

"Calista, you'll get into trouble. What will they think if you give them money?"

"Tell them... I'm a friend of..."

"See! ni hindi mo nga alam pangalan non, what do you expect me to do?!"

"Abuloy, basta ibigay mo nalang 'yan sa pamilya nang babae" Sigaw ko dito

"Ca-calista" Mahinang sambit nito sa pangalan ko

"Umalis kana!" Sigaw ko, no choice itong umalis sa harapan ko.

"Wala kang kaibigang mamatay tao, murderer ako!" Halos mawalan ako ng hininga 'dahil sa nalaman ko, nakatitig lang ako sa mga kamay ko.

nadungisan ko ang kamay ko, mamatay tao ako!

Nakahiga ako sa kwarto, umiiyak at iniisip kung anong gagawin ko. Nadungisan ko ang kamay ko, at ramdam ko ang bigat ng pagkakamali na nagawa ko. Hindi ako makapaniwala na naging bahagi ako ng isang trahedya. Ang salitang "màmàtay-tao" ay paulit-ulit na tumatak sa isipan ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang aking mga kasalanan. Ang buhay ko ay nagbago sa isang iglap, at hindi ko alam kung paano ko ito ibabalik sa dati, kung paano ko masusulusyunan.

Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWhere stories live. Discover now