CHAPTER 48

18 1 0
                                    

"Manong ano po ‘yan?"

"Ah ito, adobo. Nagugutom kana ba, naku. Matatagalan ito"

"Hindi naman po, ako na po ang mag lu-luto, puwede po ba?" seryosong tanong ko

"Sigurado ka ba?"

"Opo!"

"Hindi ka sanay, hija. Baka mapaano ang kamay mo"

"Hindi po, please!" Saad ko, tila nag mamakaawa

"Ay oh, sige. I-marinate mo muna ito.

"Paano po?" pakamot-kamot pa ako sa leeg ko dahil sa kahihiyan, natatawa naman si manang habang tinuturuan ako.

"Sa isang malaking bowl i-hahalo mo yung toyo at suka tapos i-babad mo yung manok tapos i-marinate mo ito ng bababa sa 30 minuto."

Sinunod ko naman siya nang matapos ako ay sinabi niya rin na painitin muna ang kawali bago ko isalang ang mantika

Habang tinuturuan niya ako ng step by step ay pakiramdam ko na he-heal ako 'dahil hindi naman ako tinuturuan na mag luto.

Nailagay na ang dapat kong ilagay. "Manang ano po bang kasunod ng toyo?" tanong ko ulit wala naman talaga akong ka alam-alam ni sinaing nga hindi ko alam kung paano.

"Hayaan mo muna Hija, ako na ang mag tu-tuloy, andumi nang muka mo oh, puro toyo kana" tawang sambit nito

Napatawa naman ako sinabi nito, tumingin ako sa salamin at nakita kung gaano na ako ka dungis, para tuloy akong nag lalaro

"Salamat po, manang. Hinayaan niyo akong mag luto" saad ko dito, sabay punas ni manang nang muka ko gamit ang tissue.

Pinanood ko nalamang sila mag luto, 'dahil si manang nalang daw ang mag tutuloy nang nasimulan kong kalbaryo.

"Manang yan po ba 'yung buwang?"

"Ano?" lumapit ito saakin para mas lalong marinig niya ang sinabi ko, "Buwang po 'yung garlic?"

"Anak, bawang iyon" natatawang sambit ni manang tsaka tinanggal ang apron niya

"Oh ito, paki lagay nalang sa hapag kainan" kinuha ko ‘yon.

"Luto na" sigaw ko na parang bata idinala ko ito sa hapag kainan.

"Kain na tayo baby"

"Okay..." ani Caleb.

"Baby kaba? hindi ikaw" inis kong sabi

Ilang minuto kaming nag kwentuhan ni Syrielle sa mga gusto niyang gawin at sa mga pangarap nito.

"So you want to be a lawyer like me 'diba?" tanong ko

"Opo!" Ngumiti ako sa narinig ko, pursigido talaga ang anak ko na maging abogada pero bata pa siya, puwedeng mag iba ang lahat.

Pag tapos namin kumain ay iniligpit ko na rin ang mga pinag kainan.

"Ako na diyan" mahinang sambit ni Caleb sabay agaw nang plato sakin.

Inilagay niya ito sa sa lababo at hinugasan na rin "Marunong kaba mag hugas ng plato?" tanong ko.

Hindi ako nito sinagot at tuloy-tuloy lang sa pag huhugas.

"Naku, hijo ako na diyan baka mapasma ang kamay mo" sigaw ni manang.

"Ako na po" pangunguna nito.

"Ambait naman ng asawa mo, Hija" singhal nito

"Hindi ko pa po asa--" Hindi na ako nakapag salita dahil halos mabasag na ang plato nang mabitawan ito ni Caleb hindi ko alam kung dahil sa sinabi ko.

"Nako sabi ko sa'yo ako nalang eh" pangungulit ni manang.

"Hindi na po, pahinga na po kayo" napa-ngiti naman si manang.

"Saan mo natutunan iyan?"

"Galing ako sa hirap, calista. I know how to cook, and everything"

"Talaga? matalino ka, magaling, guwapo ka din, so anong ambag ko?"

"Maging asawa ko, makita ko lang na masaya ka, okay na ako."

"Echos mo, baka umiyak ka riyan 'dahil ikaw gagawa lahat? hindi ako marunong mag laba, mag luto, mag linis, tapos a-asawahin mo ako? mag si-sisi ka!"

Caleb laughs, "I won't regret marrying you, even if you can't do any of those things, I'll still love you just the same" Caleb smiles reassuringly. "Besides, if this bothers you so much, I'll teach you how to do those things, you're going to need to learn eventually anyway" Caleb chuckles again before becoming serious once more. "Just so you know...I'm not going to let you become my servant-wife"

"I want a wife, not a maid"

Caleb pauses for a bit, looking down in thought before continuing,"I want you to be someone I can be myself around, someone who makes me feel safe, I want you to be more than my wife, I want you to be more than just a pretty face..." Caleb smiles.

"I want you to be my everything, calista."




Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWhere stories live. Discover now