CHAPTER 11

22 8 0
                                    

After I finished drying my hair, I also returned the hairdryer to Caleb. Pero kay manang ko inabot. Napansin ko na abala si manang pang lunch ata 'yung lulutuin niya.

"Manang gusto niyo po tulungan ko kayo?" Tanong ko sakaniya, humarap ito sakin at sumilay ang magagandang ngiti nito sa labi

"Kulang kasi ako sa ingredients hija, kaya lang baka mapa-ano ka kung sakal--"

"Ako na po, akina po 'yung listahan nang kailangan kong bilhin" Pag pi-presinta ko wala naman akong gagawin sa bahay nabu-boryo na ako puro nalang higa ang ginagawa ko daig ko pa ang nalumpo

"Baka mapagalitan ako ni Caleb..." Dagdag na sambit ni manang umiling ako sakaniya

"Ano ikukulong niya po ako dito sa bahay niya daig ko pa ang preso ah!" Natawa naman si manang sa sinabi ko inabot nito ang listahan.

Naka suot ako nang t-shirt na kulay mauve pink, ang pang i-baba ko ay Culottes, wide legged pants. Naka ponytail ako nag lagay rin ako nang light make-up, para naman kahit buntis ako ay hindi ako mukang losyang

Pag labas ko nang subdivision ay nag lakad lang ako nang kaunti para mas maka-kita nang dumadaang taxi. "Parang wala naman atang dumadaang taxi dito banda" Nag lakad ako muli bihira kasi dumaan sa ganitong lugar 'dahil private subdivision ito may guard 'din, haneps!

As I was walking, I didn't notice that due to the car running beside me. Sa sobrang bilis na pag papa-takbo nung sa-sakyan ay nadumihan ang damit ko puro putik na tuloy ako "Hoy bumalik ka rito, napaka tànga mo mag drive!" Sigaw ko habang inaalis ang putik sa pisngi ko

Napansin ko ang pag balik nung sasakyan, nang medyo malapit na ito saakin ay bumaba ang isang lalaki. He is wearing a dark blue polo, and to complete the somewhat handsome outfit, he paired it with a pair of khaki pants and stylish brown loafers. The combination of the dark blue polo and khaki pants gave him a sophisticated yet casual look, perfect for a day out or a semi-formal event. Ang kayumanggi at itim na buhok nito!

"Miss, are you okay?" Tanong nito, napalunok pa tuloy ako

"Obvious ba?" Mataray na sagot ko, bakit porket ba gwapo siya okay lang sa’kin!

"I'm so sorry, are you really okay?" Sambit niya ulit

"Tignan mo 'yung damit ko, sobrang dumi na alam mo ba kung gaano kahirap labhan ‘to?!" Inis na tugon ko, wala akong pakialam sa itsura niya.

"Is that your normal reaction when someone asks you if you're alright?" His voice was calm and deep with his accent coming through just a tiny bit

Napalunok ako sa tugon nito masyado nga siguro akong harsh, "Kasi naman, sana naman kuya bagalan mo 'yung pag pa-patakbo mo"

"How old are you?" Tanong nito kaya kumunot ang noo ko sa dami nang puwedeng itanong bakit ang random niya

"Tweenty five!"

Ngumisi ito "Dalawang taon lang ang tanda mo sa’kin, miss. If you want hatid kita?"

"Ayoko nga baka saan mo’ko dalhin!"

"Sa mukang 'to?" Turo nito sa muka niya sabay sarkastikang tumawa

"Maganda ba kotse mo?" Diko mapigilang tanungin, hindi halata ang pag-bubuntis ko dahil sa hindi pa naman malaki ang tiyan ko

Tumawa ito at tumango, "Don't worry, wala akong gagawing masama hatid lang kita, pambawi?"

Hindi naman siya mukang manyak? hindi rin mukang gagawa nang masama, "sige nanga!"

Pinasakay ako nito sa passenger seat nakakaloka, naka libre pa ako nang sakay!

"Saan ba punta mo?" Tanong niya habang ang mga mata nito ay nasa sasakyan

Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWhere stories live. Discover now