CHAPTER 4

29 7 0
                                    

Nang makarating kami sa Central investigation Bureau, pinaupo ako nito maituturing na akong suspect, nakaupo ako ngayon sa loob ng investigation room.

Nang makapasok si Caleb ay ibinalibag niya ang folder sa lamesa "Umamin kana...para tapos ang usapan"

"Wala akong kasalanan, wala akong aaminin, aksidente ang lahat"

"Lasing ka 'diba?" Tanong nito.

"H-hin---"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay sinigawan na ako nito "WAG MO AKONG GAWING TANGA"

Lumapit ito sakin, at itunulak ang noo ko gamit ang hintuturo niya "Since I saw you, I knew that you were capable of killing a innocent people"

"Hindi mo ako kilala, wala kang alam hindi mo ako p'wedeng husgahan!" Sumigaw ako at inilabas ang galit ko sakanya

Nilapit nito ang muka niya sakin halos maramdaman ko na ang bawat pag hinga niya, "Prosecutor ako, Calista! Hindi ako tanga katulad mo"

"Kung babayaran nang pamilya mo ang lahat nang pulisya at hukuman, paulit ulit pa rin kitang ibabalik kung saan ka nararapat."

Iniwan ako nito sa loob, nag antay ako nang ilang oras kung sino ang pupunta, kung may mag aalala ba, siguro kapag wala na ako tska lang sila mag aalala sakin eh.

"Miss, Calista. Andito 'yung parents mo" Sigaw nang isa sa mga detective don.

"M-ma s-sorry po."

Dalawang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko, "Hanggang kailan mo ako papahiyain, Calista"

"Mom, hindi po totoo 'yon, hindi ko po pinatay yung babae, m--"

'Yan nanga ba ang sinasabi ko kaya dapat talaga matagal na kitang pin*tay sa sinapupunan ko palang, wala ka talagang kwenta, hindi kananga nakapasa bar exam, kunsimisyon kapa, daig kapa ni Avery! si avery may anak ikaw wala palamunin kapa, bakit hindi mo gayahin si Avery!

"Avery and I are different, I am not her, she is not me, Ma! hindi ako si Avery!"

"Mrs Harrison, kalma lang ho tayo nasa presinto po tayo, kalma lang"

"Magkano? isa, tatlo, magkano tell me, milyon ba kailangan niyo?" walang patumpik tumpik na saad ni mommy.

"Ma'am, kasi...hindi ako ang may hawak ng kaso, pero.."

"Pakawalan niyo ang babaitang 'to, kuhanin niyo ang pera sakin mamaya"

"Tandaan mo, Calista. Hindi to libre, kaya ayusin mo ang buhay mo hangga't nag titimpi pa ako sa mga gulong ginagawa mo" Saad nito sabay alis sa harapan ko.

"Pwede kanang umalis, Ms harrison" sabi ng detective at tinanggal ang posas ko.

Ganun lang 'yon, tama nga ako pera talaga ang labanan pero anong silbi nang pera kung ang kalaban ko may posisyon at handang gawin ang lahat maparusahan lang ako?

Lumabas ako nang presinto at umupo sa may tabing labas, iniyak ko ang lahat lahat para kapag naiyak ko na at naitapon ang lahat nang sakit, panibagong hamon nanaman.

Yumuko, kasabay nang pag agos ng luha ko ay siya namang pag dampi nang sariwang hangin sa balat ko, "Why? life is so unfair."

Ano bang kailangan kong gawin para masabi sa buong mundo na inosente ako, walang pang isang oras, nasa balita na ako. Nakakatawang isipin, dinungisan ko ang apelyidong iniingatan ng pamilya ko.

Bakit ang sakit sakit nang mundong 'to, gusto ko lang naman nang taong magmamahal sakin, ayoko ng kaaway. Gusto ko maging masaya

"Caliee, are you okay? grabe kinabahan talaga ako nang makita kita sa news." Hinawakan ni Jia ang kamay ko para pakalmahin. Para akong nabalik sa realidad 'dahil sa boses ni Jia

Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWhere stories live. Discover now