CHAPTER 49

43 3 0
                                    

The next morning, Caleb wakes up early and heads for the kitchen. He begins making breakfast and soon, Syrielle wakes up as well. The three of us have a peaceful and quiet morning together. "Good morning, sweeties" Caleb says gently to Syrielle and me before taking his seat at the dinner table with us.

After kumain ay nag shower lang ako, nag paalam din muna ako at iniwan muna ang mag ama ‘dahil may importante akong pu-puntahan.

Nag taxi lang ako, ilang minuto ang byahe.

Andito na ako. Sa mental health facilities dahil nga hindi siya maaring i-kulong, Pag pasok ko ay sinalubong ako ng ibang nurse.

Hindi ko pa man tinatanong kung nasaan 'yung room, ay naaninag ko na si mommy. naka wheelchair ito at nakatulala. Yumuko ako at unti-unting lumapit

Ngumiti saakin ang nurse, inakay ko ang wheelchair palabas para makapag pahangin.

Hindi pa rin ito nag sa-salita nang maka labas kami naka tulala lamang siya, lumapit ako at humarap ngunit hindi niya ako tinitignan. "Mom, it's calista"

Hindi ito nag salita, "Ang baby girl mo" yumuko ako.

Umiling ito saakin, "H-Hindi kita kilala" malumanay na sagot niya.

"Okay lang"

"C-Calista? ang anak ko nasa school siya nag a-aral siya ngayon..."

"Tama nag a-aral siya ngayon" ngumiti ako bago punasan ang luha ko, "Pilit ko man na gustuhin na patawarin ka, alam ko naman biktima ka rin. Pero ang sakit po" bulong ko, hinaplos ko ang palad niya

"I love you, mommy"

"Sino ka?"

"Kahit mawala ang alaala mo, alam ko nakatatak na kami diyan sa puso mo"

"Bakit ka umiiyak? nasaan ako?" sunod-sunod na tanong niya.

Pumikit ako, "Ako 'to, si Calista"

"C-Calista?" tumango ako

Sumimangot ito bigla, "Mahal na mahal ko ang anak ko na ‘yon mabait siya kaso lagi kami nag a-away"

"Kilala mo ba si Calista? nasa school siya ngayon, susunduin siya ng daddy niya"

Tumango na lamang ako sa kaniya, "I love you so much, mom. Thank you for everything, kalimutan muna ‘yung mga masasakit na alaala, sana 'yung tanging maalala mo 'yung mga oras na masaya ka" iyak ko

Nakita ko ang pag tulo nang luha niya, "Bakit ako naiiyak?" nalilitong tanong niya

Pinunasan ko ang luha niya, ini-abot ko ang bracelet na nasa bulsa ko. "Wear it." Isinuot ko ito sa kaniya, "Binili mo 'yan sakin diba?"

Pinag masdan nito nang matagal ang bracelet na isinuot ko sa kaniya, tumangis ito bigla na tila hindi alam kung bakit at paano.

"Pa sabi sa anak ko alam mo grade 10 pa lang si calista, ang galing galing ng anak ko"

Ngumiti ako sa kaniya, kasunod naman ang pag dating ng nurse, "Kailan pa po ito?"

"Ma'am, nag umpisa na po siya na makalimutan ang pangalan niya tanging na a-alala lang po niya eh, 'yung past niya po, minsan po random ang na-aalala niya"

"Kayo po ba si ma'am calista?" tumango ako

"Lagi niya po kayo mini-mention sakin, gusto niya po kayo sunduin kasi hindi niya 'daw po kayo nasusundo dati"

Yumuko bago halikan sa noo si mommy, "Please..I hope you don't forget that I love you, no matter who you are or what you are, I love you because you're my mommy. You're my other half, mahal kita." Bulong ko

Unti-unti na akong lumalakad palayo, pinunasan ko rin ang luha ko.

"Avery?" nabigla ako nang bigla itong sumulpot sa harapan ko papalabas.

"Caleb told me kasi na andito, coffee?" tumango ako, dala niya ang kotse nito ilang minutes lang din nang makarating kami. Same lang sa inorder namin before.

"So anong tea?"

"So ito nanga" natatawang sabi nito, "Kidding aside, dadaanin pa sa trial 'yung kaso ni Tita, besides she's sick. Homicíde ang kasong sinampa dahil napatunayan. And nakarating din siya dito 'dahil 'yung mga friends niya from France pinalayas siya 'dahil sa panlolokong ginawa ni Tita before. And also si Tito nasangkot siya sa Illegal Possession of drúgs" tuloy-tuloy na sambit nito

"Your dad rapéd jia's mom, si Tita Vivianne at ang mother ni Jia biktima sila ng séxual assault" sabi nito, pinipilit ko na lamang na huwag umiyak, ngunit kailangan ko malaman ang lahat, lalo na si Avery ang nag a-asikaso ng kaso.

"So you know, lawyer ka din. Alam mo naman siguro na nararapat bilang isang abogada na maging responsible. Matagal na panahon na hindi tinanggap si Jia, mag ha-hati kayo ni Jia sa lahat ng ari-arian, matagal na yumao ang legal wife ng dad mo, your mom, hindi talaga sila kasal ng daddy mo, so 'dahil kayo ni Jia ang naiwan--"

"It's okay, I can handle everything now."

Tumayo ito at niyakap ako. "Pahinga ka muna, you're so tired lately. Masyado nang masakit."

"Tama na kakaiyak, enjoy your life now, andito kami, andiyan si Caleb si Syrielle, puwede kana maging masaya"

"Oo naman" tumawa ako at niyakap siya

"Ang ganda ganda mo, para umiyak"

"Thank you, avery. For everything"

"Ikaw at si Jia lang naman ang best friend ko eh" aniya

"I'm so lucky to have you and Jia."

"Kami ang maswerte, hindi lang ‘yon ang tatag mo, grabe ka. Puwede kana pagawan ng rebulto niyan!"

"Bàliw!"




Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWhere stories live. Discover now