CHAPTER 31

43 1 0
                                    

Nang matawagan ko na ang secretary ko ay agad akong nag pahatid sa mansion.

"Wala kang ibang pag sa-sabihan nito, naiintindihan mo ba?" Inis na sambit ko sa secretary ko.

Tumango ito sa sinaad ko, ilang oras ang byahe bago kami nakauwi. "My schedule for today?"

"Meeting with Marketing Team at 10 am. Lunch with Potential Client at 12:30 pm. Strategy Review Meeting at 2:00 pm. Conference Call with Investors at 4:30 pm. Is there anything else you would like me to add or a---"

Inis ko na tinigil ang pag sa-salita niya, "Tama na, okay fine."

Bumaba ako nang sasakyan, malalaking hakbang ang ginawa ko na siyang hindi mahabol nang secretary ko.

"Jia?" Niyakap ko siya agad, ngunit naka busangot ang pag-mumuka nito

"San ka galing?"

Napalunok ako sa tanong niya, tinignan ko nang matalim ang sekretarya ko pahiwatig na gusto ko na umalis siya.

"Alam mo ba na ako ang kinukulit ni Tita Liane?! Alam mo ba na nag a-alala kami sa'yo?" Sigaw nito kaya napahawak ako sa tanga ko

"Nasiraan ako nang sasakyan"

"San ka natulog? hindi mo sinasagot ang mga tawag namin, tapos hindi ka pa umuwi!" Malakas na sigaw niya

"Kanino ka natulog saan ka nag palipas nang gabi?" Malumanay na tanong niya muli, habang ang matatalim na ti-tig niya ang nag papa-kaba saakin

"Kay caleb!" Mahinang sambit ko, nabigla ako nang ibato nito ang unan na nakalagay sa sopa.

"Anong silbi nang halos tatlong taon mo sa ibang bansa kung mag papa-uto kananama sa lalaking ‘yan!" Lumapit ito sakin ngunit tumakbo ako upang makalayo.

"Avy!" Masiglang bungad ko saba'y tago sa likuran ni Avery.

"Andito ka rin?" Bulong ko, habang si Jia ay hawak-hawak ang takong niya upang ipamalo saakin.

"Jia, hayaan mo muna mag explain, ikaw naman eh"

"Hindi kasi natututo 'yan, alam niya na ang mga lalaki ay manloloko!"

"Palibhasa niloko nang dalawang lalaki" Pa sikretong bulong ko kaya ngumisi si Avy.

"Wag kana sumabat alam mo naman daig pa nanay niyan"

"Jia, hindi naman lahat." Ipinakita ni Avery ang singsing niya sa daliri na ibinigay ni Kaiden. Kumunot agad ang noo ni Jia nang makita iyon, napaka KJ talaga!

"Ikaw wa mo iniiba 'yung usapan, halika rito, Calista Azalea Harrison! Napaka uto-uto mo kaya ka nasasaktan"

"Sorry na, no choice ako gusto mo ba na matulog ako sa bandang sementeryo?" Malumanay na sabi ko, sabay lapit sakaniya ibinaba ko ang takong niya na kulay itim. Ang sakit pa naman non!

"Tsaka don't you have a taping and endorsement ngayon, tsaka hindi naman na ako uto-uto"

"Tigil-tigilan mo ako diyan sa kasinungalingan mo, mas kilala pa kita kaysa sa sarili mo"

"Tama na 'yan, Jia. Tama si Calista, may taping ka pa hindi mo dapat sinasayang ang oras mo, Ms. Ajiana" Ngising saad nito

"Isa ka pa! dapat hindi mo kinu-kunsinte ‘yan si Calista, tignan mo ang napapala"

"Bakit nadamay ako?!" Kunot noong sagot nito

"Bahala kayo riyan, kaya kayo naloloko hindi kayo nadadala" Sambit nito bago kami iwan ni Avery na nakatayo banda sa sopa, pabalang itong nag lakad palabas. Kitang-kita ko ang mga guard na nakabantay kay Jia.

"Hayaan muna siya, ganoon talaga kapag uto-uto dati" Tawang sabi nito

"Nga pala may balita na ako ka'y Tita Vivianne, according to your mom's friends and acquaintances. They say she is currently in France. Pero hindi pa namin ma-locate 'yung mismong city, don't worry mahahanap din natin si Tita" Sambit nito sabay yakap sakin

"Sige na mauna na ako, take care" Saad nito sabay beso sakin.

Isinandal ko ang sarili ko sa sopa, tinignan ko rin ang phone ko. "Fúcking schedule, fúcking work fúcking shít" Bulong ko saba'y tayo para umalis at mag tungo sa opisina, I was able to reach my company in just a few minutes, as usual. I am working for 15 hours today.

"Good morning, ma'am" Bati sakin nang guard, nakayuko sila at wala laging nag ta-tangkang tumingin nang masama

"Sasakmalin ko ba kayo?" Bulong ko

"Calista?" Nabigla ako sa malumanay na boses nang matandang lalaki na nasa likuran ko.

"Prof. Hernandez?" Niyakap ko agad ito, sobrang saya ko na makita muli siya, he is the reason why I was able to succeed in becoming a doctor in the U.S.

"Prof, ano po ang ginagawa niyo dito?" Sambit ko at kumawala sa pag kakayakap.

"May apo ako rito, Hija. Ikaw ba? kamusta kana"

"I am the owner and CEO of this company, at okay naman na po ako" I replied with a smile.

"Mabuti kung ganoon, salamat naman at naka recover ka sa pag kaka-comatose"

"One week lang naman po iyon, kaya mabilis ang recovery and dahil na rin po sa--"

"Hija, nag karoon ka nang Traumatic Brain Injury, hindi lang basta one week iyon, nabalitaan ko nga na mahigit ilang buwan kang comatose, iyon lamang ang pag kaka-alam ko sa sinabi saakin nang kamag anak mo dahil na rin hindi ka nakaka-attend sa class ko" Sabi niya muli

"Prof, hindi po, one week lang po talaga because of Metabolic Disorder, and tuloy-tuloy naman po ang pag da-diet ko, and dahil na rin po sa stressed and anxiety" I said, pilit na huwag manginig, ngunit ang boses ko ay unti-unti nang nadudurog

Huminga ito nang malalim, at pilit na kinumbinsi ako na siya ang tama at ako ang mali.

"Prof, fatigue and weakness. Feeling excessively tired or weak lamang po talaga"

"Kausapin muna lang ang, sa pag kaka alam ko ang tinanungan ko tungkol sa’yo ang Tita..."

"Liane?"

"Oo, tama. Mas mabuting tanungin munalang siya, kaysa nag tatalo tayo" Patawang sambit nito, pero hindi ko maiwasang kabahan. Kung ano ang papaniwalaan, ang kamag anak ko? o ang nag silbing pangalawang ama ko?

Pumasok ako nang opisina, iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Prof, pilit ko ini-explain lahat saakin.

"Ma'am, 'yung meeting po with investors"

"Ma'am?!"

"Shut up!" Sigaw ko, "Umalis kanga muna" Banas na sabi ko, hindi ako makapag focus.

"Cancel all of my meetings, all of them. You're being so foólish pa naman" Iritang sabi ko

Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWhere stories live. Discover now