Chapter 1

1.3K 208 185
                                    

[1]

Amber

Kung sino man ang nakikinig sa panalangin ko, sana mabigyan ako ng pagkakataon na makakilala ng gwapong nilalang.

Napangisi ako sa iniisip. Charot lang.

Tumayo na ako at nag-sign of the cross bago maglakad paalis sa church.

Mainit ang panahon at kumpulan ang mga tao sa paligid. Hindi na nagbago. Nandito pa rin ang mga nagtitinda ng kandila, sampaguita, at rosary kahit pinagbabawalan na dahil nakaharang sila sa dinaraanan.

Agad akong dumiretso sa malapit na fast food restaurant para mag-almusal.

Pagkatapos mag-order sa counter, kinuha ko na ang number at umupo sa isa sa mga bakanteng table. Kaunti pa lang ang mga kumakaing pamilya at ibang loners kaya marami pa akong pagpipiliang pwesto. Pero kinuha ko na lang ang pinakamalapit sa counter para makita agad ang waiting number.

Sa paglibot ng paningin habang naghihintay, hindi ko inakalang matutupad nang gano'n kabilis ang hiling ko. Mm. Yummy!

Nakaupo ang loner tatlong bakanteng table mula sa pwesto ko. Nakaupo siya paharap sa 'kin at mukhang naghihintay din ng order niya.

Nakaharap siya sa 'kin kaya nakikita ko ang kabuuan ng itsura niya. Dahil doon mas lalo kong napuna ang panlabas niyang anyo. Tignan nga naman oh. Mukhang matangkad, maayos pumorma, maputi. Naka-shades na 'kala mo sa labas kakain at hindi sa airconditioned room. Kitang-kita ang muscles sa braso habang nakapatong sa table at tina-tap ito.

Mala-Edward Pattinson este Edward Cullen ang peg nito! Kaloka!

Maghunos-dili ka, Amber! Mas lalo kang magugutom dahil sa mga pantasya mo.

Magkasunod na lumabas ang dalawang server mula sa kitchen section. Ang isa pumunta kay hot guy at 'yong isa sa akin. Mabilis naman pala ang service nila dito.

"Enjoy your meal, ma'am." Anong ma'am? Hindi pa ko matanda ano. Sa liit kong ito?

Pagtingin ko sa meal na nasa table, nagtaka ako. Ito nga naman ang in-order ko pero may mali. Bakit parang may korteng—

Agad nawala sa paningin ko at sa table 'yong hotcake. "Hey!" Napatingala ako kung sino mang kumuha. Bastos eh. Tinitignan ko pa ang itsura ng customized na hotcake.

Oh, my gosh. Ang pogi niya talaga. Kulang pa ang characteristics ni Adonis para i-describe siya. Nasa langit na ba ako? Nananaginip ba ako nang gising? Is this what they really call yummy?

Pero teka, si hot guy 'to ah. Bakit hawak niya sa magkabilang kamay ang dalawang order ng hotcake?

Napansin kong namumula siya. Kita ko iyon kahit square-shaped sunglasses pa ang suot niya. Sobrang pula eh. Pero kahit namumula siya na parang bakla ay nakakadagdag pa rin iyon sa pagka-cool ng itsura niya.

"Why did you get my order?" Nakakunot na ang magkabilang kilay niya. "This is mine!" pabulong na sigaw niya para hindi marinig ng mga taong dumadaan.

Medyo nagtaka ako sa reaksyon niya. Gano'n na ba talaga siya kahiya-hiya sa hotcake niya? "Oh. Eh 'di sa 'yo! 'Di ko naman aangkinin. Nagtataka nga rin ako sa itsura eh. Malay ko bang nagkapalit tayo ng order? Sungit."

Nai-imagine kong umuusok ang ilong niya sa hiya at galit. "Tss. Oh, sa 'yo na 'to." sabi niya sabay lapag ng normal na hotcake sa table ko. "Tss." Hirit niya pa!

Aba. Walang modo 'to ah. Pasalamat ka gwapo ka kundi sasapatusin talaga kita. Hindi man lang niya napansin na pinagtitinginan na kami ng mga kumakain at ilang staff ng fast food?

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon