Chapter 24

236 76 5
                                    

[24]

Crystal

"Anak, ilabas mo na nga itong basura natin para makuha na ng dumptruck."

"Sure, ma."

Kinuha ko kay mama ang malaking supot na itim at lumabas ng bahay. Nilagay ko ito sa tabi ng gate at pinagpagan ang mga kamay ko.

Sobrang init ng panahon! Global warming na talaga.

"Hey."

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likuran ko. Humarap ako sa kaniya pero umatras din.

Siya ang bagong lipat sa kabilang kanto ng subdivision.

"Hi," nakangiti niyang bati. "I'm Peter."

Alam kong hindi ako dapat maging bastos pero kapag naaalala ko ang nangyari dati, hindi na ako makapagsalita.

Kahit pa pumunta ang mga pulis dito at obserbahan ang mga kilos ng mga hinihinala naming mga stalker, wala silang mahanap. Kung sino pa ang mismong sumusunod sa akin, siya pa ang nakakalakad nang malaya rito.

Pero ayokong pangunahan ang lalaking ito. He might not be the same man I've seen before.

But my instinct never failed me.

Nang wala siyang makuhang sagot sa akin, inayos niya ang suot niyang gray sando at black jogging pants. "I didn't mean to be rude, but do you know a little grocery store around here? It's called Lily's."

Americans in this area always have this habit of smiling when talking to each other. Pero ang ngiti ng Peter na ito ay hindi normal.

It's like he's observing me.

Magsasalita na sana talaga ako pero may isang bulto ng lalaki na ang humarang sa aming dalawa.

Kumurap pa ako para mapaalis ang mabilis na hangin na gawa ng pagkilos ni Denver. Nakatalikod siya sa akin pero hawak na niya ako agad sa isang kamay.

"Lily's is on the third corner lot when you go right." sagot niya kay Peter.

"Oh, I see. Thanks, man."

"No problem."

Mula sa pagkakayuko ay nakita ko nang papaalis si Peter at lumiko na sa kanang kalsada ng subdivision.

Pinakawalan ko na ang hininga ko na parang kanina ko pa pinipigilang lumabas. "Thank you, babe."

Humarap naman siya sa 'kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Why are you out here? Alam mo namang nandito pa rin ang lalaking iyon."

"Eh kasi..." Napanguso ako. "Hindi naman bawal lumabas sa sarili naming subdivision ah!"

"Oo nga, pero alam nating nandito pa rin siya. Masyado lang siyang maingat para hindi mapansin ng mga pulis." Hinila na niya ako papasok sa bahay namin. "Kaya mag-ingat ka rin sa bawat paglabas mo ng bahay."

"Okay. Roger that." Hinintay ko siyang isara ang gate. "Buti na lang dumating ka. Sobra ang takot ko."

"Don't worry. We'll keep an eye on him starting today."

Nagtaka ako. "We?"

"Yeah. The cops. They want me to cooperate."

I nudged him playfully. "Ayiee. Ikaw ah. Iyan pala ang gusto mong trabaho. Pagpupulis!"

Tumawa naman siya. "Nah. Baka ma-miss mo lang ako."

"Kapal ah!"

"I love you, Hanny."

Secret LoversDonde viven las historias. Descúbrelo ahora