Chapter 22

228 80 10
                                    

[22]

Amber

I woke up from a very bad dream. Then it's gone before I can even remember all of it.

Tumingin ako sa paligid. Sa madilim na kwarto ng bahay namin. Mag-isa lang ako sa kama, at walang ibang naririnig kundi ang pagtunog ng orasan.

Akala ko lang pala iyon.

Napahawak ako sa ulo ko. Sumasakit. Sumasakit dahil sa ingay. May sumisigaw.

I need to get out!

Pumikit ako at tiniklop ang katawan dahil sa kirot.

You need to let me out, Amber.

May nagsasalita.

Nakalimutan mo na ba kung paano ako nabuo? How I ended up being half of your mind? Half of your soul?

Minsan na akong nagtaka kung bakit buhay na buhay sa isip ko ang kabaligtaran ng personalidad ko. Na parang may isa pang tao na nakatira sa katawang ito.

You all want to have a happy ending. That's too sad. Sa kaiisip mo sa pagmamahal na iyan, nakalimutan mo na kung sino ka talaga. Ako ay ikaw. Iisa lang tayo. Don't you remember, honey?

Napahawak ako sa ulo ko. Is it really my subconscious talking to me? Or is it...

You will never get away from the truth.

Nahanap ko na lang ang sarili kong tumitingin sa paligid. Nababalisa. Kinakabahan. Pinagpapawisan. Nanginginig.

Alam kong siya ang may dahilan nito. At sa bawat oras na pumapasok siya sa isip ko, bumabalik din ang kadiliman ng nakaraan ko. Ang mga sikretong gusto kong dalhin hanggang sa mamatay ako.

At kahit anong gawin ko, hinding-hindi ko siya matatakasan.

"Rose... My Rose."

Maraming nagsasabi na ang buhay SHS ay ang pinakamasaya. Dito ka nagkakaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa mga bagay sa paligid. Ang politika at komunidad ay sinisimulan niyo nang bigyan ng pansin.

Mas lalaki rin daw ang circle of friends and at the same time, number of enemies na walang ibang ginawa kundi magpapansin at magsalita ng kung ano-ano tungkol sa iyo na hindi naman totoo.

Ganiyan ang pagkakasabi nila. Not me.

Kasi wala namang pinagbago ang high school life ko. Umangat lang ako sa senior year. The rest is as it is. Same friends, same enemies.

Oh, mayro'n pa nga palang nagbago.

Wala na ang pinakamamahal ko. Wala na ang love of my life ko... sa school na pinapasukan ko.

"Amber, bilisan mo male-late ka na naman." sabi ni lola habang patapos ko na ang kinakain ko. Si Cookie naman ay nasa paanan ko at parang minamadali na rin ako dahil yumuyugyog ang buntot niya.

"La, kahit ilang beses mo ako pagsabihan niyan, hindi magbabago ang katotohanan na wala na siya." I mean na palagi akong late.

"Humuhugot ka na naman ba, apo? O gusto mong um-absent na naman sa unang araw ng pasukan?"

Tumayo na agad ako. "Sabi ko nga papasok na ako."

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng bahay. Tumahol sa likod ko si Cookie pero nag-shoo na lang ako. Alam naman na niya kung ano'ng lagi kong pinapaalala sa kaniya.

"Bantayan mo si lola."

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanto. Siguradong marami akong makakasabay na estudyante na nagko-commute.

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon