Chapter 8

381 128 41
                                    

[8]

Amber

Nakarinig kaming lahat ng paghampas ng ruler sa pinto. Si Miss Minchin pala.

"Class 3-A. Can I get your attention please?"

"Yes, Ma'am."

"Sit down, all of you."

Hinintay niya munang lahat kami ay nasa sariling mga upuan at tumahimik. Pumasok na siya sa loob ng classroom.

"Rumors going around high school campus has been able to get through the ears of the admins. Alam n'yo namang nag-iikot sila riyan para mag-check ng facilities tapos maririnig-rinig nila kayong nagtsitsismisan."

Sumandal ako at uminom ng tubig. Nakayuko na ang ilang babae.

"They arranged a meeting with the police investigators and they need to know the students involved. We need witnesses. Some of the seniors are calling their parents as we speak. Kaya kung sino man dito ang pumunta sa party na iyon, sumama na sa akin. Don't make me say your name and go straight to my office after this class subject."

Mukhang naging seryoso ang high school department for the first time. It's all about the school's pride. Mahirap magkaroon ng gusot ang isang successful private school lalo na't ang biggest investors nito ay mga importanteng tao sa business world.

Napuno ng maraming bubuyog ang classroom. Naghuhulaan sila kung sino-sino ang mga naki-party.

"Oh, wait. I forgot something." pahabol ni Miss Minchin. "Miss Soledad, may I excuse you from class?"

"Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko.

"Yes, Miss Amber Rose Soledad."

Nakakunot ang noo ko habang papalabas ng classroom. Nagkasalubong pa kami ni Devon.

"Uh. Miss Madrid."

"Sir Devon, can I excuse your student for a few minutes?"

Tinignan muna ako ni Devon. "Yeah, sure."

"Thank you. This way, Miss Soledad." Nauna nang maglakad si Miss Minchin.

Susunod sana ako nang hawakan ni Devon ang kamay ko. "What is it about?"

Sa pwesto namin hindi kami nakikita sa loob ng classroom. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "I don't know. Baka tungkol doon sa drug user. Narinig mo na ba?"

"I did. Maingay sa faculty ngayon. Nandoon ang isang investigator."

"What? Bakit ayaw nilang i-suspend ang klase?"

"Pinagbawalan ang admins. Mas mahirap daw kung pauuwiin ang mga involved. Baka tumakas."

"Sige. Mag-usap na lang tayo mamaya."

"Okay."

Hinawakan ko siya sa braso at sumunod na kay Miss Minchin. Pagpasok ko sa office, sinara niya agad ang pinto.

Kilalang-kilala ko na si Miss Minchin. Kapag seryoso na ang sitwasyon, straight to the point na siya. Naglagay siya ng recording device sa table.

Oh no. Interview mode.

"Do you know anything about this?"

"Noong araw ng party, hinarang ako ni Francis Flores. Niyaya niya ako."

"And then? What exactly did he say to you? And what did you tell him? Did you notice some strange gestures he made?"

Nagkamot ako ng ulo. "Ang dami namang tanong! Hinay-hinay naman!"

Secret LoversWhere stories live. Discover now