Chapter 7

412 136 51
                                    

[7]

Amber

There. I said it.

Hindi ko sinabi ang lahat. Sa tingin ko nga hindi pa malinaw yung mga salita ko dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko.

Gah. Nakakahiya pa lang mag-confess ng feelings!

Okay. Aaminin ko na sa sarili ko. Hindi naman talaga ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Sinabi ko lang iyon dahil hindi ako sigurado. Alam kong mahal ko na siya pero ayokong tanggapin sa sarili ko.

Kasi sobrang hindi kapanipaniwala para sa isang Amber Rose na ma-in love.

A seductress will never fall in love.

Hingal na hingal ako pagkatapos magsalita. Halata naman sa gulat niyang mukha na naintindihan niya ang puno't dulo ng problema ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Parang gusto kong umihi sa tabi o kaya sumigaw ng alien words.

Ilang minuto na ang lumipas. Walang nagsasalita sa amin. Nakatigil ang kotse sa tabi ng highway. Ang dami nang dumadaan na sasakyan pero nakatitig lang ako sa kanya.

My composed self is back. I rolled my eyes. "Ano? Magtititigan na lang ba tayo?"

Parang natauhan siya at lumunok ng paulit-ulit. Ano kaya ang una niyang sasabihin? Shet talaga. Kinakabahan ako.

"How?"

Natigilan ako. Anong how? Hindi why?

"How come you... in just a short time? I-I mean dalawang linggo pa lang tayo magkakilala. You couldn't have—"

"Hindi ko alam. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. It just came up. Actually, nang una kitang makita nagkaroon na ako ng interes sa 'yo. Lalo na nang magkapalit tayo ng hot cake sa fast food. Tapos nang maging teacher at tutor kita... other feelings just flew right in my mind. I had no idea that I'm already liking you. For real."

Naisip ko tuloy na walang patutunguhan 'tong pag-uusap namin. Hindi siya nagsasalita. Kung ano-ano lang sinasabi ko. Ayokong marinig ang sagot niya. Natatakot ako. Baka masaktan lang ako.

Nilapag ko ang kamay ko sa lap niya. "Wala ka namang kailangang isagot eh. 'Wag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo lang na hindi pwede kasi estudyante ako at teacher kita. Sabihin mo lang na wala kang nararamdaman kahit kaunti—"

May dumampi bigla sa labi ko kaya hindi ko natuloy ang sasabihin.

H-He kissed me.

Masyado akong nagulat. Hindi ako naka-react agad. Nakadilat ako habang siya nakahawak sa kamay ko at nakapikit.

Hindi ko maiwasang ikumpara ang halik niya sa ibang lalaki. But no, wala siyang katulad. Hinding-hindi ako magsasawang halikan 'to.

Gumalaw na ang labi niya kaya napapikit na lang ako. Sinundan ko ang paraan niya ng paghalik. Inangat ko ang dalawang kamay ko para ipaikot sa leeg niya. Nalulunod na ako sa halik niya. Sinandal niya ako sa may pintuan ng kotse at napasabunot ako sa kaniya. Naging mainit sa loob ng kotse. Pinagpapawisan ako.

Shit. We have to...

No. Just let it go.

Lahat ng tiniis ko nitong nakaraang linggo binuhos ko sa halik na iyon. Wala na akong kontrol sa katawan ko. Kusa itong lumiliyad para magdikit ang katawan namin. I felt something hard in his pants so I softly bit his lower lip.

Bumaba ang isang kamay ko sa dibdib niya. Kahit labag na labag talaga sa loob ko, kailangan ko siyang pigilan. I know, nakakabitin. Pero kailangan.

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon