Chapter 2

746 187 134
                                    

[2]

Amber

Tinignan ako ni sir. Parang nagdalawang isip pa siya. "Yes, Miss Soledad?" Ako lang ang tinawag niya na may kasamang pangalan. Ibig sabihin ba nito, sa dami ng mga nagpakilala kanina natandaan niya agad ako?

Tumingin ang lahat sa gawi ko. Alam ko. Ako rin, nagulat.

Sa mga nakakakilala sa akin, alam na nilang hindi ako nagtataas ng kamay. Dahil hindi naman ako gano'n. Hindi ako nakikisali sa discussion. Magsasalita lang ako sa report at kung tatawagin lang ako para mag-recite.

Pero nakakapagtaka na pati mga transferee nakatingin na rin sa akin na parang mga manunuklaw.

Hindi na lang ako tumayo. "Subject teacher pa rin ba namin si Sir Marvin?"

Si Crystal at Denver sabay na nasamid at tumawa nang mahina. Si sir nakakunot na naman ang noo.

"Uh. No." What?! Tinatakasan ba niya talaga ako? Alam ko namang hindi ako masyadong magaling na estudyante niya last year pero sana magpakita siya ngayong araw.

Nagkibit-balikat na lang ako. "Okay."

Tinitigan pa niya ko nang maigi bago humarap sa klase. "Anything else? ...Okay. See you around."

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang iba pang teacher na pumasok. Iniisip ko si Sir Marvin. Bakit wala siya sa mga subjects ko? Hindi ako papayag. Tsaka nasaan ba siya? Bakit hindi ko pa siya nakikita simula kanina?

Dumating na ang pinakahinihintay kong recess time. Sa oras na ito pwede kong gawin ang lahat.

"Mauna na kayong kumain. May pupuntahan pa ako." sabi ko kina Crystal at Denver.

"Hay nako, alam ko na iyang gagawin mo." natatawang sabi ni Crystal. "You can't change the admin's decision, you know."

"Gusto mong malagas iyang blond mong buhok?" banta ko. Half kasi siya kaya blondie. Half-Spanish, half-bread.

Nagmadali akong umakyat ng dalawang floors. Binuksan ko ang pinakaunang pinto na nakita ko at pumasok nang hindi kumatok. Oo. Ako na bastos.

Boses ni Miss Minchin ang una kong narinig. "Miss Soledad! How many times should I tell you to knock first?"

Hindi naman talaga siya mukhang si Miss Minchin. Kasing edad niya ang mga magulang ko. Iyon lang ang tawag ko sa kanya dahil sa pananalita niya. Syempre disciplinarian siya kaya strict dapat siya.

"Stop counting." sabi ko. Tsaka ko lang napansin na may mga tao pa pala. "Is this a bad time?"

Naka-recover na agad siya sa pagsita sa akin at nagtaas ng isang kilay. "Not exactly. Ikaw kasi ang pinag-uusapan namin kaya okay lang." Nasa may sofa sina Sir Devon at Sir Marvin.

"Sir Marvin!" bati ko sabay kaway kahit malapit ako sa kaniya.

"Hi, Amber." Sabi niya. Lumingon siya kay Miss Minchin. "Miss Madrid, sabihin niyo na po sa kaniya para masimulan na ngayon."

"Ngayon na?" gulat na tanong ni Sir Devon. Ang cute nilang tignan ni Sir Marvin. Para silang magkapatid. Parehong gwapo. Parehong sexy.

"Well, wala namang masama kung ngayon." Kumuha si Miss Minchin ng papel at ballpen. "Kailangan mo lang pirmahan ito, Sir Devon. Ako na ang magsa-submit sa admins."

"Teka. 'Di ko gets, Miss Minchin." singit ko. Ano na namang kontrata ang pinag-uusapan nila?

Tinignan niya ako. "You have a new tutor this school year, Miss Soledad."

"Ha? No way! Pinapamigay mo na ako, Sir Marvin?" Nagkamot lang si sir ng ulo. Tama pala ang hinala ko na hindi na siya ang magiging tutor ko ngayong year.

Secret LoversWhere stories live. Discover now