Chapter 14

270 97 7
                                    

[14]

Crystal

"Ma, aalis na ako. Pakisabi na rin kay Dad!"

"Ingat, anak!" sigaw pabalik ni mama. Si dad kasi nasa office room. Ang aga pa pero nakaharap na sa malapad niyang desk. Si mama naman, feel na feel ang pagiging housewife dahil lagi siyang nasa panggabing sched sa trabaho. Nasa kusina siya at naghuhugas ng mga pinagkainan namin no'ng almusal.

Shocks. Late na pala ako. Papasok na ngayon ang secret lovers kaya dapat hindi ako ma-late.

Tumigil na ako sa bus stop at kalmadong hinintay ang bus. Pero hindi ko kaya eh. Excited na ako kaya gumagalaw-galaw ako sa kinatatayuan ko.

Napatingin ako sa isang lalaki na pansin kong kanina pa nakatingin sa akin. Alam kong maganda ako pero 'wag naman pahalata. Nahihiya ako eh.

Wala naman siyang ginagawa. Nakatayo lang siya medyo malayo sa 'kin. Naka-leather jacket-kahit mainit ang panahon-at faded jeans. Nakalagay ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa.

Hindi naman masama ang tingin niya. More like, observing me. Napalunok ako. Nakakakaba ha.

Buti na lang dumating na ang bus. Nagmadali akong sumakay at inunahan pa ang mga matatanda. Sunod-sunod akong humingi ng pasensya sa kanila.

Fortunately, hindi siya sumakay. Nakita ko siya sa may bintana na naglalakad palayo.

Sino kaya iyon?

Denver

Argh. Late na ako.

Problema ng mga high school students ang pagiging late. Sino ba namang hindi pa um-absent kahit isang beses lang? Ang tatag siguro niya.

Parang ewan kasi ang alarm clock ko sa phone. Nilagay ko 6:00AM tapos tumunog ng 6:15AM. Tapos naubusan pa kami ng stock ng chocolate drink para sa almusal ko. Kailangan ko pa tuloy mag-bike sa pinakamalapit na tindahan. Pero ayos lang. Maganda naman ang tindera. Kasing edad ko.

Naglalakad na ako ngayon papuntang bus stop. May subo pa akong sandwich.

Tinignan ko ang relo ko. Shit. Late na talaga. Nandoon na kaya si Crystal?

Lumiko na ako sa kanto namin at may nabangga ako. Nahulog tuloy ang sandwich ko. Tsk.

"Ouch." bulong ng nakaupong lalaki sa harap ko.

Tinulungan ko siyang tumayo. "Sorry, p're. Okay ka lang?"

Tumingin siya sa 'kin. Ngayon ko lang 'to nakita ah. "I-It's okay. Hindi kita nakita. Pasensya na."

"Wala 'yon. Sige." paalam ko.

Hindi niya ako sinagot. Tinitigan niya lang ako nang walang reaksyon. Napakunot na lang ako ng noo at naglakad palayo.

Sino ba iyon?

Amber

Nagtanan na ba 'yong dalawa? Aba. Parehong late. May sinabi pang isu-surprise ako tapos sila ang wala rito.

Buti pa ang mga kaklase namin binati ako. 'Wag mag-alala. Libre ko sila ng tig-iisang Stick-O.

At kung suswertehin ka nga naman oh. First subject namin ay English. Tinapunan na naman ako ni Miss Elisa ng nakakamatay na tingin at irap bago pumasok. Ano kaya'ng gagawin niya kapag nalaman niyang magkasama na kami ni Devon sa iisang bahay? Magkakaroon yata ng World War III.

Nakaabot naman ang lovebirds bago pa mag-attendance si Miss Elisa. Sabay sila.

Hingal na hingal silang umupo sa magkabilang gilid ko. Sumipol ako.

Secret Loversजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें