Chapter 9

335 122 20
                                    

[9]

Amber

"Miss me?" mahinang sabi niya. Ang lapit niya sa 'kin at ang baho ng hininga niya. Ganito ba ang amoy ng drugs? Ragged din ang itsura niya. Deep dark eyes and pale lips. Nakasando and maong shorts siya na madumi.

"Let go of me, Francis. Kung hindi, sisigaw ako."

"Edi gawin mo. May makakarinig ba sa 'yo? May nakikita ka bang dumadaan?" Peste. Wala nga.

Bigla niyang kinuha ang phone at wallet ko at hinagis kung saan. Hinigpitan niya ang hawak sa balikat at palapulsuhan ko. Ang sakit.

"Let go of me." I demanded fiercely. Hinding-hindi ako magpapakita ng takot sa kanya. He's not worth it!

"Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo sa 'kin? Alam mo ba kung ano'ng nararamdaman ko? You did this to me. You happened and the next thing I knew, gumagawa na ako ng mga bagay na hindi ko ginusto dati." Nasira ang boses niya at parang paiyak. "I was heartbroken. I drank up every fucking night, I kissed and made out with every girl I see, I became wasted. Then this group of guys came up to me to offer something. Something that will ease that pain. And I agreed. I fucking agreed."

I managed to keep my voice as strong as I can. "I did not do anything wrong, Francis. You did that to yourself. You pushed yourself over the edge and I pity you. You should give yourself to the police para pagbayaran ang kasalanan mo."

"No!" Napapikit ako sa lakas ng boses niya at dahil mas mahigpit na ang hawak niya sa 'kin. Bumabaon na sa balat ko ang mga kuko niya. "Sasama ka sa 'kin. Isasama kita!"

Hinatak niya ang braso ko at kinaladkad ako palapit sa isang itim na van. Sunod-sunod ang pagmumura ko sa isip. Saan niya ko dadalhin?

"Francis, let go of me! Nasasaktan ako!"

"Dapat lang yan sa 'yo! You fucking bitch!"

Napapikit ako. Those words stung me. A lot of people can call me a lot of things. Maging compliment man iyan o panglalait, I don't care. I don't waste my time convincing people to understand me. Magsasayang lang ako ng panahon.

Pero ngayon ko lang na-realize na ang sakit pala sa pakiramdam na masabihan ka ng bagay na alam mong hindi naman nagde-describe sa 'yo. Kahit ipagtanggol mo pa ang sarili mo, hinding-hindi magbabago ang pagtingin nila sa 'yo.

So as crazy as it sounds, I jerked my arm away from his at tumakbo palayo. Narinig ko pang sumigaw si Francis at may mga humabol sa akin. Siguro iyon ang mga nasa van kanina. Mga kapwa niya pusher.

Mabilis akong tumakbo dahil may alaga akong napakakulit na aso. Noong bata pa si Cookie, lagi siyang nakakalabas ng bahay at hinahabol ko siya. Minsan malalaman ko na lang na tinataguan niya ako. Loko-lokong aso.

Sumigaw-sigaw ako ng tulong pero wala talagang katao-tao. Bwisit. Karamihan kasi ng mga nakatira dito ay matatanda kaya kapag hapon, mistulang ghost town ang subdivision na 'to.

Ayokong bumalik sa bahay dahil delikado. Kaya inikot ko ang mga kalsada baka sakaling maligaw ko sila. Kailangan kong makahanap ng payphone. O kaya self-defense weapon.

Lumiko ako sa isang kalye at nakita ko ang isang taong hindi ko inasahang makikita dito. Si Sofia Claire. Siya ang former cheerleader ng school at paminsan-minsang nananalo sa mga beauty contest.

Lagi ko siyang nakakaaway dahil sa pride niya. She admitted once to me that she's a slut. Kung ako nakipag-flirt at na-seduce ko ang mga boys sa school, siya naman ay nakipag-make out na sa kanila. Kadiri 'di ba? Nang malaman ko iyon, hindi ko na siya kailanman kinausap kahit pa magkabanggan kami. Nawalan na siya ng respeto sa sarili niya, paano pa kaya ang ibang tao?

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon