Chapter 19

237 82 4
                                    

[19]

Amber

"Denver."

"Hmm?"

"Saang kwarto natulog si Crystal?"

"My room." He said calmly.

Napatakip ako ng bibig. "Good heavens. Don't tell me...?"

"Pfft. Amber, whatever you're thinking, it's not true. Nothing that intense happened last night."

"Mabuti naman dahil kinse anyos pa lang si Crystal. 'Wag mo siyang isama sa mga kalokohan mo." Akala ko talaga kung ano na. Walang pigil pa naman iyan pagdating sa mga cute na babae.

"Sa gwapo kong 'to iisipin mong sasaktan ko si Crystal?"

"Oo."

"Come on. I would never do that. Kasalanan niya kaya kami natulog nang magkasama." nakanguso niyang sabi.

"Si Crystal pa talaga ang may kasalanan?"

"Kung hindi niya sinuot ang pajama na iyon. I wouldn't have the urge to steal a kiss from her."

Napangiti ako. Lagi naman siyang nagkakaroon ng urge na halikan si Crystal. I wonder kung bakit ngayon lang niya tinuloy. Kung titingnan kasi si Denver hindi maiisip na torpe siya.

"Knowing I have no choice, I finally told her what I feel about her. And damn, I was so happy to know she feels the same. Her words are like heaven that I want to hear it over again."

Napailing ako. Hindi ba siya nababakla sa mga sinabi niya? "I knew you'll get there someday. 'Just didn't imagine it would be this long. Ang sarap niyong pag-untugin pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Mas meaningful kasi kapag sa inyo mismo nanggaling ang nararamdaman niyo para sa isa't isa. So, anong balak niyo ngayon?"

"Maybe we'll deal with our parents first. Alam mo na, hindi ito kasama sa plano nila para sa amin. But I will stand against all odds. And I want her by my side no matter what."

"Basta kung ano man ang mapagdesisyunan, suportado ko kayong dalawa. Alam ko namang hindi talaga kayo mapaghihiwalay kahit noon pa."

"Salamat sa advice, manang love expert. Sige. Kakain na po ako." Tumayo na siya.

"Hoy, Denver, tandaan mo ang mga sinabi ko ah. Prinsesa natin iyan. Lahat na ng babae saktan mo, 'wag lang iyan."

"I know that in my heart and mind." Kinindatan niya ako at umalis na ng classroom.

Buti naman nakarating na ang prinsipe sa palasyo ng minamahal niyang prinsesa.

Ako kaya? Kailan ko makikita ang prinsipe ko? Ang prinsipe kong matangkad, muscular, pang-shampoo commercial ang buhok, gwapo with intense brown eyes, matangos na ilong, thin lips. Ah, ayoko na! Natutukso na naman ako sa daydreams ko.

And speaking of my prince... Nag-text siya.

From: Devon
Kainin mo ang pinabaon ko sa 'yo ha.
Received 10:00AM

Seriously? Kakainin ko iyon? Ayoko nga! Lahat na ng pagkain ilulunok ko, 'wag lang ang macaroni salad!

To: Devon
NO WAY
Sent 10:00AM

Tumunog ang phone ko nang tuloy-tuloy. Napaikot na lang ako ng mga mata at sinaot ang tawag. "Hello."

"Eat that or else I'll skip three chapters of the book later for the session." Seryosong-seryoso ang tono ng boses niya.

"Okay lang. Mabilis akong magbasa."

"Mabilis nga magbasa, mabilis din bang intindihin?"

Sumingkit ang mga mata ko kahit hindi naman niya makikita. "Ilang beses ko nang nalagpasan iyang mga parusa mo. Sisiw lang iyan sa akin."

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon