Chapter 27 - End

369 38 14
                                    

[27]

Amber

"What the fuck are you doing!"

Wala na akong pakialam sa sinasabi niya. Nilakasan ko ang pagkanan sa manibela at inapakan ang paa niya na nakapahinga sa brake. Agad tumigil patagilid ang sasakyan.

"You little...!" Itatama na niya sana ang kamao sa sikmura ko pero nagawa kong makalayo agad sa kaniya. Suot pa niya ang seatbelt.

Nakaharap na ako sa kaniya ngayon. Umatras ako at kinapa ang door handle sa likod ko. Hindi ito bumukas. Shit.

Ngumisi siya at tinanggal ang seatbelt. "You've gotten stronger than the last time. Let's see if you're still as sweet as—"

"Your Rose is gone." I interrupted him.

Nagulat siya pero nangahas pa rin siyang umusog palapit. "You've become a very bad girl talking back at me, my Rose."

"I'm not your Rose." Nilabas ko ang baril na galing sa leg strap ko at kaagad itinapat sa kaniya. "But you're right, I've become a very bad girl... just to see you and your goddamn family rot in jail."

Tumawa siya nang mapakla. "Do you really think you can shoot me?"

I shrugged. "It's worth trying." Binaba ko ang baril at pinutok iyon sa direksyon ng hita niya. Napapikit ako sa nakakabinging tunog at sa sigaw ni Alex dahil sa sakit.

Serves you right, jerk.

Wala na akong sinayang na oras. Mas inintindi ni Alex ang sakit sa nagdudugong hita kaya mabilis kong pinindot ang lock sa kabilang gilid niya.

Cold air surrounded my body as I hurriedly went out of the car and slammed the door shut. I started to run towards the city lights.

Clearly, hindi ito kasama sa plano. Nasa maling lugar ang Manila police at sana nahuli na agad ng kapulisan sa Puerto Galera ang mga Malcolm.

My dress has a little camera on its shoulder and a little earpiece inside the neckline. Tanga-tanga ni Alex na hindi muna ako kinapkapan.

Anytime, susunod dito ang mga pulis. I just have to run—

Automatic akong napatigil sa pagtakbo pagkarinig ng putok ng baril. "You're not going anywhere!"

Shit!

Humarap ako kay Alex na nakatuon na sa gilid ng kotse at kakababa lang niya ng baril na ipinutok niya pala sa itaas.

Malakas ang kabog ng dibdib ko nang itutok niya sa akin ang sarili niyang baril. Hindi na ako makagalaw. Sumasakit na ang paa ko dahil sa takong. Nanlalamig na rin ang balat ko.

If this is going to be my last moment on Earth...

No.

I won't let that happen.

Muli kong itinapat ang hawak kong baril sa kaniya. The police told me to just impale the suspect. I shot him, but he's still standing. If I could shoot him right in the head... he can't kill me.

Tumulo ang luha ko. Shooting him on the other leg won't do me any good. Kapag naunahan niya akong bumaril, mamamatay ako. Pero kapag napatay ko siya, wala rin akong pinagkaiba sa kaniya. Magiging kriminal din ako.

Humigpit ang hawak ko sa baril. Ano ba'ng dapat kong gawin? Paano ko maliligtas ang sarili ko?

My parents. My grandmother. My sheepdog. My best friends.

And Devon.

Lahat sila naghihintay sa akin. Lahat sila umaasa na matatapos ko ito.

Napailing ako. Hindi ako dapat sumuko. Nangako ako na babalikan ko sila pagkatapos nito. I'm not the innocent and fragile little girl who thinks that she deserves to die.

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon