Chapter 12

322 105 10
                                    

[12]

Amber

"A-Ano po ang sabi ni Miss Madrid?" Devon asked.

Nagkibit-balikat lang si lola. "Siya ang unang pumayag."

Ibig sabihin, alam na niya ito nang pumunta siya rito kahapon?

"You don't need to worry about your safety anymore. Mrs. Cephyr is doing her best to keep her granddaughter away from danger."

Nagsalita ako. "So, pumayag nga sila. Ano namang gagawin nila tungkol sa teacher-student relationship namin? Paano kung may makaalam?"

Lola pursed her lips. "Sisiguraduhin nilang walang makakaalam. Kung paano? Hindi nila sinabi sa akin. Basta ituloy n'yo lang kung anong nakagawian n'yong gawin. Walang magbabago. Sabay kayong uuwi, sabay kayong papasok, kayo na bahalang magdesisyon niyan."

Yumuko ako sa pagkain sa plato ko. Masyado nang puno ang isip ko sa mga pinagsasabi ni lola. Isang bagsakan niya sinabi ang lahat nang hindi kami handa. Papayag ba ako? Bakit ba ako nagdadalawang isip? Ano ba'ng inaalala ko?

Nag-aalala ka kung anong mangyayari kapag binigyan ng malisya ng mga tao ang pagtira ng guro at estudyante sa iisang bahay.

Mayroong parte ang puso ko na sinasabing, "Go na go na iyan. Tadhana na iyan. Nakaplano na." Tapos ang kabilang parte ang sinisigaw, "Hindi ba sabi mo, masakit sa pakiramdam ang sabihan ka ng isang bagay na hindi naman nagde-describe sa 'yo? Ano ba talagang gusto mo?"

Gusto ko lang naman makasama ang mga mahal ko sa buhay nang walang pinoproblema kung ayos lang ba na kasama ko sila.

My parents have been away for years. Ayokong pati si Devon ay malayo na rin sa 'kin.

"Payag ako." I said with utmost finality. Ngumiti sa akin si lola.

"Mabuti naman at pumayag na rin kayong dalawa."

"Huh? Nagsalita ka na ba, Devon?"

"Um-okay na ako kanina pa. Masyado ka namang lutang." Nagbiro pa! Seryosong bagay kaya ‘to.

"Kung hindi pa naman kayo papasok bukas, ayusin na ang dapat ayusin. Aalis ako nang maaga dahil inanyayahan ako ng mga amiga ko na manood sa sinehan. Bahala na kayo sa gawaing bahay."

Nagtinginan kami ni Devon. Unang araw pa lang niya rito, simula na agad ng challenge.

Ang challenge na walang mag-uudyok sa 'ming gawin ang ipinagbabawal pa. We have our own limitations. I just hope that I'm in control.

Yeah. Me, especially.

Umakyat na si lola para matulog hanggang hapon habang kami nagliligpit ng pinagkainan. Nasa harap ako ng lababo at si Devon nagpupunas ng mesa.

"Uuwi ka na ba ngayon para mag-ayos?" tanong ko.

"Yep. Marami eh."

"Gusto mong tulungan na kita?"

"No need. Baka may makita ka pang iba."

Napatigil ako sa ginagawa. "At ano naman iyon, Devon Nathaniel?"

"Wala." Inanlawan na niya ang basahan at sinampay sa gilid ng kitchen counter. "Just men stuff. No big deal."

Ngumuso ako. Ano kaya iyon? Condom? Men's Mag? FHM? Censored DVDs? Karamihan ng mga lalaking nakilala ko ay mayro'ng gano'n.

"Okay." sabi ko na lang.

Narinig kong bumukas ang TV sa living room. Nang matapos ako sa paghuhugas ng plato, nagpunas ako ng kamay at pumunta na rin doon.

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon