Chapter 11

315 108 10
                                    

[11]

Amber

Napangiti ako. Humarap ako sa kanya at inikot ang kamay ko sa leeg niya. "Aasikasuhin ko pa si lola at Cookie."

"Come on. Kakagaling mo lang sa ospital, household chores na kaagad ang iniisip mo. Don't worry, I already tucked them in bed."

Weh? "Ang bilis naman."

Hindi niya ako sinagot at bigla akong binuhat. Napatili tuloy ako.

"Devon! Ibaba mo ako. Kaya ko namang umakyat mag-isa." Papasok na kami sa bahay. "Devon, isa!"

"’Wag kang maingay. Baka magising sila." Umaakyat na kami ngayon.

Napailing na lang ako. Wala talagang makakapigil sa lalaking ‘to.

Naramdaman ko na lang ang malambot na kama sa likod ko at paggalaw ng blanket. Tinignan ko ang kwarto ko. Dito ako nag-isip at nagkamali ng desisyon. Suddenly, naalala ko ang text message ni Francis, ang pagmamadali kong makalabas ng bahay, ang pagtahol ni Cookie, ang itsura ni Sofia.

"I'm sorry, Amber. I really am."

Hindi ko namalayan na nakakapit na pala ako sa shirt ni Devon at tinatawag niya ako.

"Amber, are you okay?"

"I-I'm fine." Napalunok ako. "Can... Can you stay a little longer? Kung gusto mo, mahiga ka muna sa tabi ko."

Alanganin pa siyang sumagot. "I'd like to but, is it okay? You're going to let a man lie beside you?"

"It's okay. I don't mind."

Naghubad siya ng sapatos at sumampa sa kama ko. Umusog ako sa bandang gilid para magkasya siya. Inabutan ko siya ng kumot.

"Just to inform you, I'm not comfortable with this."

"Hmm." Dumikit pa ako sa kaniya para ang dibdib niya ang ulunan ko at ang isang kamay ko nakayakap sa kanya. "Hayaan mo muna akong matulog."

Habang tinatap niya ang balikat ko, nararamdaman ko na ang pagkaantok. Masyado akong napagod ngayon. Mabuti na lang at nasa tabi ko pa rin si Devon. Wala akong pakialam kung walang tao sa bahay niya. Wala akong pakialam kung mapagalitan kami ni lola kapag nakita kaming magkatabi sa iisang kama.

I just want time to stop right here.

"Are you surprised earlier?" he asked suddenly.

"Hm. Siguro."

He chuckled. "You can't lie to me."

Ngumuso ako. "Oo na. Oo na. Na-surprise na."

"Na-surprise sa ano?"

"Come on. I don't actually—"

"Amber," he started. "I know you know that it's been in front of you all this time. Why do you keep on pushing everyone away? Why won't you talk to them? Why are you limiting yourself to Miss Enzo and Mr. Reyes?"

Ugh. "You know why."

"You were surprised they came here, am I right? You were surprised they actually care about you."

"Devon, it's not the time for your lecture. I know what's been missing. People can change on their own."

"Yeah. But I need to hear it this time."

Tiningala ko siya. I saw a hint of amusement in his eyes.

I rolled mine.

"I have friends that care about me even when I'm at my worst. Happy now?"

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon