Chapter 26

200 31 0
                                    

[26]

Amber

Magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto ni Devon. Hindi siya nagsasalita. Diretso lang ang tingin niya at mukhang malalim ang iniisip. Magsasalita na sana ako pero nakarating na kami sa sala at may dalawang tao roon na nakaupo at parang kanina pa naghihintay sa amin.

"Apo..." Maluha-luha na si lola pagkakita sa akin. Unang kita palang ay alam kong sobra siyang nag-alala sa akin. Paano pa kaya noong mga panahon na dinakip ako at ginahasa nang tatlong araw?

Pumikit ako saglit at pinilit na kalmahin ang nagbabagang galit sa loob ko.

"Patawarin mo ako sa malaking paglilihim na ito."

Umiling ako at tipid na ngumiti. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad, 'La. Walang ibang may kasalanan kundi ang gumawa nito sa akin. Siya ang hinding-hindi ko mapapatawad."

"That," napalingon kaming tatlo sa katabi ni lola. "Is the Amber I'm telling you before, Meredith."

"Tumahimik ka." sagot sa kaniya ni lola.

Tumawa ang matandang lalaki na huhulaan kong ka-edad lang ni lola. Ano'ng pinagsamahan nila? Bakit parang bumabalik kami sa panahon ng Kastila?

"Come on, Meredith. I told you she'll grow up to be just like you. So headstrong. Brave. Mischievous."

"Sa akin siya nagmana, Marque."

"So obvious, il mio amore."

M-My love? Nagkatinginan kami ni Devon.

Inirapan lang siya ni lola na dahilan ng pagtawa nitong muli. Tumayo ang matandang lalaki at naglakad palapit sa amin habang tumutuon sa tungkod na hawak niya sa kanang kamay.

Ngumiti siya sa amin. "Greetings, Amber and Mr. Devon Nathaniel. My name is Marque Cephyr, your grandmother's secret lover."

I wasn't sure what my face looked like, but my mouth was literally hanging open.

My grandmother has a friggin' secret lover!

"Tumahimik ka na." muling sabi ni lola. This time, seryosong-seryoso na ang mukha niya.

Pero hindi nagpatinag si lolo. Seryoso na rin siyang humarap kay lola. "Kailangan mo na talagang ayusin ang relasyon natin, Meredith. You can't actually keep these truths from everyone else." Napailing siya. "One more rejection and I will shut that bad mouth of yours with mine."

Napasinghap ako sa pinakawalang cheesy line ni lolo at tumawa nang mahina si Devon sa tabi ko. Si lola naman ay hindi na mawari ang reaksyon.

Humarap na sa amin si lolo. "That should keep her busy, thinking about the two of us."

Ngayon lang ako nakapagsalita. "Lolo, kayo ba talaga...?"

"Yes, my dear. We've known each other for four decades and until now, she's still secretly in love with me while I tell everyone that she is mine. You get the gist of it, right? Both of you?"

Tumango lang kaming dalawa. Marami akong gustong sabihin. Marami akong tanong. In fact, muntik ko nang makalimutan ang kalugmukang naranasan ko.

"Now, going back to business." Pumitik siya sa ere gamit ang hinalalaki at gitnang daliri. Pumasok sa bahay ang isang lalaki na nakasalamin at nakasuot ng formal attire. "Sebastian is my head guard and he saved you from being killed inside your own home."

Naalala ko ang lalaking nakasuot ng hood at ang nakakaasar niyang ngiti. Sebastian gave me a nod. Nakita ko sa may baywang niya ang nakasabit na baril. Siya siguro ang narinig kong bumaril bago ako mawalan nang malay.

Secret LoversWhere stories live. Discover now