Chapter 17

236 82 9
                                    

[17]

Crystal

Hinding-hindi ko nakakalimutan ang kabaitan ng pamilya ni Denver sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit sa lahat ng mga kasosyo nila daddy na pamilya, itong Reyes Family ang pinaka-close sa amin. Eh malayo naman ang klase ng negosyo nilang dalawa.

"Let's go upstairs?" Nilahad ni Denver ang palad niya sa 'kin at tinanggap ko iyon para makatayo.

Ibang-iba 'to sa araw-araw na Denver na kinaiinisan ko! Paano ba iyan? Kinikilig ako.

Amber, bes, help! How do I deal with this?

Nagbihis muna ako ng pantulog sa may dressing room sa first floor bago ko siya sinundan. Hinawakan niya nang maayos ang kamay ko at naglakad na kami paakyat sa second floor ng bahay nila. Hindi naman na niya kailangang hawakan ang kamay ko pero ang higpit talaga ng hawak niya.

Diretso lang ang lakad niya papunta sa kwarto niya—

Agad akong tumigil. "A-Ah, saan ako matutulog?"

"Dito sa kwarto ko." sabi niya na parang wala lang.

Nanlaki ang mga mata ko. "P-Pero baka kung ano'ng isipin nila tita."

"Ano naman? Kapag nandito ka, at least, mababantayan kita." Hinila na niya ako papasok sa silid at siya na ang nag-lock ng pinto.

Gabayan ako ng makapangyarihan ngayong gabi para hindi ko masunggaban ang lalaking ito!

"Sigurado ka ba?" isa ko pang tanong.

"Ang kulit. O, diyan ka sa kama. I'll be on the couch."

Tinulak niya ako nang mahina para humiga sa king-sized bed at kinumutan hanggang leeg. Gentleman! Pinatay na rin niya ang ilaw.

"Sleep tight." sabi niya tapos pumunta sa sofa sa gilid ng kwarto.

Pinanood ko siyang humiga sa sofa at alam kong mahihirapan siyang makatulog doon. Sa laki ba naman ng katawan niya, hindi na siya makaikot sa kabila niya.

Hay. Denver talaga.

Umupo ako at tiningnan siya.

Ito. Ito ang dahilan kung bakit ko siya minahal. Napangiti ako sa naiisip. Kahit noong mga bata pa kami, aso't pusa kaming magturingan sa harap ng mga tao. Pero kapag kaming dalawa na lang, lumalabas ang tunay na kulay namin at pagtingin sa isa't isa.

Alam ko na dati pa, na may gusto siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayaw naming umamin. Siguro dahil expected na namin na balang araw, ipagkakasundo kami sa ibang tao sa ngalan ng negosyo. Kung hindi man ganoon, magkakalayo kami ng landas. Maaring isa sa aming dalawa umalis ng bansa. Maari rin namang mawala ang nararamdaman namin at may dadating na bago. Hindi namin ito masasabi pero alam ko at tanggap ko na hanggang magkaibigan lang kami.

Pero sana, hindi mangyari ang mga iyon. Kasi ayoko. Ayokong dumating ang araw na sabihin niyang, "may mahal na ako at hindi ikaw iyon," kasi masasaktan ako ng sobra.

Hindi ko kayang mapunta siya sa iba. Pero hindi ko rin kayang sirain ang pagkakaibigan namin.

Ayan. Nagiging emotional na naman ako. Natatago ko lang 'to sa pamamagitan ng pakikipag-away sa kaniya. Kasi wala na akong maisip na ibang paraan para malaman niya na pinapahalagahan ko siya.

Sana pwedeng-pwede mong isigaw sa buong mundo na mahal mo ang isang tao. Walang kahirap-hirap. 'Yong alam mo sa sarili mo na kahit ano pang dumaan na makakapagpahiwalay sa inyo, maipaglalaban mo siya.

Maybe I'm just scared of love. Maybe I'm scared to take some risks. I don't know. Pero hindi magbabago ang katotohanan na mahal ko ang lalaking 'to.

Secret LoversWhere stories live. Discover now