Chapter 23

238 82 5
                                    

[23]

Amber

Lumipas ang tatlong oras at mga bagong subject teacher na nagpakilala sa amin. Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin dahil may kinakaharap akong problema pagsapit ng break time.

The deadly chicken salad.

Kahit ano pa'ng sabihin ni Devon hinding-hindi ako kakain niyan!

"Amber, bibili ka sa cafeteria?" tanong ni Crystal habang binabalik sa bag ang notebook niya.

"Nope. Makikipagdigmaan pa ako sa pinabaon ni Devon."

"Naalala ko tuloy last year muntikan mo nang ibato sa rooftop ang lunchbox." singit ni Denver sabay tawa.

"Tapos halos mamula sa galit si Sir Devon."

"Parehas kaya silang parang si Anger ng Inside Out."

Tumawa na naman sila. Lagi na lang ganiyan. I rolled my eyes at nauna na sa kanilang pumunta sa rooftop.

Habang umaakyat ako sa fire exit papuntang rooftop, hindi ko mapigilang isipin na naman si Alex. Who is he? Ano'ng kinalaman niya sa nakaraan ko?

Natigil ako sa pagakyat nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa rooftop at pumasok sa fire exit si Sir Alex. Nagkatinginan kami.

"Oh, Miss Soledad. You're in Class A, right?"

"Y-Yes, sir." Humawak ako sa railing ng hagdan dahil ramdam kong nanghina ang tuhod ko pagkakita sa kaniya.

Dahan-dahan siyang bumaba palapit sa akin. Ako naman, hindi makagalaw. Pesteng mga paa iyan.

"The dean told me a lot of stories about you. He said you are the oldest of your batch and the most diligent. You were also the one who saved a couple of students from a drug syndicate."

Nasa harap ko na siya. Nakangiti at inayos ang polo vest ng uniform niya. "I got curious about you, Miss Soledad. I'm glad that I became your Math teacher... and your tutor."

Nanlaki ang mga mata ko. Tama nga. Siya ang magiging tutor ko. Pero parang ayoko. Natatakot ako sa hindi malamang dahilan. Feeling ko maiiyak ako sa kinatatayuan ko pero walang lumalabas na luha.

What the hell is happening?

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at muntikan pa akong mapasandal sa pader. Hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ko. "You're pale. Do you want me to take you to the clinic?"

"No, sir. Okay lang po ako."

"Are you sure?" Bumaba ang kamay niya padulas sa braso ko bago bitawan.

He's doing something that seems so familiar.

Tumango na lang ako.

"Well. If something's bothering you, my office is always open. See you on the next class, Miss Soledad." Nilagay na niya ang magkabilang kamay sa bulsa ng pants niya at tahimik na umalis.

Napaupo ako sa hagdan, naghahabol ng hininga. His body. His scent. His gaze. All of it. Parang iyon ang hinahanap ng katawan at kaluluwa ko.

Nag-ring ang phone ko sa bulsa.

Devon

Inilayo kong muli ang phone mula sa tainga ko at ni-dial ang number ni Amber. Pang-limang tawag ko na ito at hindi pa rin niya sinasagot. Imposible namang nasa klase pa rin siya.

Pumasok si Rebecca sa office. "Sir, nasaan na po ang recommendation letters para sa internship program?" Itinuro ko lang ang nakahiwalay na white folder sa desk ko. Agad naman siyang pumaroon at kinuha.

Secret LoversWhere stories live. Discover now