Chapter 6

414 144 35
                                    

[6]

Amber

Binitawan na ako ni Francis at kamot-kamot ang ulo na bumalik sa classroom nila. Napahawak naman ako sa parte ng braso ko na medyo sumakit sa higpit ng hawak ng lalaking iyon.

"Salamat." sabi ko kay Devon. Napayuko ako. Galit ba talaga siya?

Tumingala ako nang wala siyang sinabi. Gah! Wrong move pala iyon.

Pag-angat ko ng ulo, nakalapit na pala siya sabay hawak ng balikat ko. Muntikan pang magdikit ang ilong namin.

Shet. Ayokong mamula sa kilig.

"Are you okay?" Nakikita ko sa mga mata niyang nag-aalala siya.

I faked a laugh. "Oo naman. Hindi ibig sabihin na namumula 'to ay masakit na. Ano ka ba?"

He pursed his lips. Okay. Hindi siya naniniwala.

"S-Sige na. Pumunta ka na sa next class mo." Ipinagtulakan ko pa siya. "Baka may makakita pa sa atin at iba ang isipin."

Hindi pa rin siya natinag. Halata pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Tsk. Si Francis kasi kung makahawak, wagas.

"Are you sure?"

"Oo nga. Ang bingi mo." Dinalawang kamay ko pa ang pagtulak sa braso niya. Uwa. Ang lusog ng bicep.

"Mag-uusap tayo mamaya." sabi na lang niya.

"Yeah, yeah. Sa car, sa library, ikaw bahala. Go now."

Tinignan niya pa ako nang matagal bago pumasok sa classroom sa dulo ng hallway. Nang mawala siya sa paningin ko, tumalikod na ako at bumalik sa classroom ko.

First time yatang naging normal ang pag-uusap namin. That's weird.

Pagbalik ko, masama na naman ang tingin sa 'kin ng teacher at tinatanong tanong pa kung bakit ang tagal ko. I rolled my eyes after answering nonsense and went back to my seat.

Binatukan ko si Denver. Nagulat naman sila ni Crystal sa ginawa ko.

"Niyaya ako ni Francis sa 'party' mamayang gabi. Which I declined. Tapos sinabi niyang kasama ka."

Parehas pa silang nagulat. "Hindi 'no! Wala nga akong alam sa party na iyan eh." sagot ng magaling na lalaking 'to. "Malamang ginamit niya lang ako para mapasama ka."

Napailing si Crystal. "Mukhang gusto ka niyang mabiktima. Alam mo iyon? Baka may gagawin siya sa 'yo. Buti na lang hindi ka pumayag."

I sighed heavily. "That jerk."

Devon

Nandito kami ni Amber sa library at nakaupo sa dating pwesto. Kanina pa kami nagsimula ng session pero sa iba talaga nakatuon ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit.

Bakit ba ako naiinis sa tuwing nakikita ko ang namumulang marka ng kamay sa braso niya?

Kinuwento na niya kanina sa byahe kung ano'ng pinag-usapan nila ni Mr. Flores. Niyaya daw siya nito na sumama sa party mamayang gabi. Hindi siya pumayag kaya pinilit. Nagsinungaling pa raw ito para lang mapapayag siya. Mabuti na lang at mas may matinong isip si Amber kaya tumanggi siya.

Kumunot ang noo ko sa kakaisip at bigla akong nainitan. Tinanggal ko ang salamin ko at unang dalawang butones ng polo ko. Sinuklay ko rin ang buhok ko sa noo pataas. Maikli ito kaya para lang siyang nakatayo.

Babalik na sana ako sa pagbabasa ang mapansin kong hindi na nagsusulat si Amber sa harap ko. Tinignan ko siya.

"What?" I asked.

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon