Chapter 15

306 94 12
                                    

[15]

Amber

Ngayon ko lang naramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na. Pati tuloy ako kinakabahan sa mga mangyayari bukas. Hindi ko alam kung susundin ba talaga ni Miss Elisa ang sinabi ni Miss Minchin. Paano kung ipagkakalat pa rin niya ang nalaman niya? Paano na kami ni Devon? Ano nang mangyayari sa future namin?

Paano pa kapag nalaman ni Miss Elisa na nasa iisang bahay kami ni Devon?

"Amber," hinawakan ni Devon ang magkabilang pisngi ko. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "It's okay now."

Ngumiti lang ako ng tipid. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Natutuwa dahil niligtas ako ni Devon at Miss Minchin pero nalulungkot din dahil sa awa kay Miss Elisa. Ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon. Tama naman ang mga sinabi niya. Bawal ang ginagawa namin. Bawal kami.

Sinisisi mo na naman ang sarili mo.

Totoo naman 'di ba?

Pero may part sa akin na natutuwa dahil nandito pa rin sa tabi ko ang lalaking 'to. Dahil sa kanya kaya ako masaya ngayon. Hindi ko hahayaan na mawala siya sa akin.

"Sir Devon, mabuti pang umuwi na kayo. Bukas ng umaga ay pumunta kayong dalawa sa office ko."

"Yes, Miss Madrid. Thank you."

"No problem."

Devon

Kung hindi lang sana tumawag si daddy, walang problema. Nasabihan na siya ng admins sa mga nangyari at kinumusta niya lang ako. At siguro dahil sa parental instinct, inabisuhan na niya ako ng kung ano-ano tungkol sa pag-aalaga kay Amber. Kung magsalita si daddy ay parang bagong kasal kami ng estudyante ko.

Nalaman ko lang na nakikinig pala si Miss Elisa nang tapos na kaming mag-usap ni daddy. Bago ko pa maipaliwanag ang lahat, sinugod na niya si Amber. Ang lakas ng loob niyang saktan ang mahal ko.

Kaya heto ako ngayon, naghahanap ulit ng tsempo para makaamin sa kaniya. Nasayang kasi ang pagkakataon kanina.

Buti na lang talaga dumating si Miss Madrid para takutin si Elisa. Hindi ko talaga alam kung isa siyang admin pero nahahalata ko lang.

Iniisip ko rin kung anong koneksyon ni lola sa admins. Kung bakit napakahalaga ng papel niya sa ikabubuti ng school.

Pero ayoko nang alamin pa iyon. Ayos na ako kay Amber. Ang buhay niya ang gusto kong alamin nang lubos.

Tumayo na ako sa kama at binuksan ang pinto. Nagugutom na pala ako. Hindi ko namalayan sa kaiisip ng sasabihin ko kay Amber.

At kung mamalasin at suswertehin ka nga naman sa iisang pagkakataon, sabay pa kaming lumabas ng kwarto namin.

Naistatwa ako bigla habang siya umayos ng tayo at nag-cross arms pa. Heto na. Mukhang tatarayan na naman niya ako.

Teka nga. Hindi pa ako handa sa sasabihin ko!

"Ano? Akala ko ba may importante kang sasabihin?" Iyan na. Tinanong na.

"Uh." Napakamot ako ng ulo. "S-Saka na lang. Kapag malamig na ang ulo mo."

"Patay na ako no'n."

Tinignan ko siya nang masama. Pilosopohin ba naman ako?

"Sabi mo kasi importante tapos ngayon, 'saka na', 'saka na'." Ginaya pa niya yung boses ko kanina. "Ano nga?"

"Wala. Ayos na ba ang pisngi mo?" I held her chin up at lumapit.

"Sanay na ako sa mga sampal." sabi niya nang makahulugan.

Secret LoversWhere stories live. Discover now