Chapter 18

246 80 2
                                    

[18]

Amber

"H-Ha? Wala naman ah. Mommy ah, kung ano-anong nakikita mo." Pigil naman ang tawa ng lalaking 'to.

Pinakitaan ako ni mommy ng poker face. "Sa akin ka pa talaga gumaganyan ah. Parehas kayo ni mama eh. Do you want me to call the person sitting on your bed?"

Alam niyang nakaupo si Devon sa kama. Napatayo tuloy 'yong isa.

"Devon Montecarlo."

"P-Po." Tumabi siya sa akin. "Good morning, Mrs. Soledad. It's nice to finally meet you po."

"I feel the same, iho. But I have to ask. Talaga bang normal na routine ang pagpasok mo sa kwarto ng anak ko paggising niya?"

Lagot.

"'Cause I remember, darling, you don't like anyone—especially a guy—to enter your room without permission."

"Mom, sabi ko kasi kumatok lang siya tapos pasok na. Nakakatamad kasing magsabi ng 'pasok' tsaka 'bukas iyan.' 'Di ba? Tsaka mom, he's living with us now. 'Guess you already heard that."

"Of course. Ang gusto ko lang namang sabihin ay sana ma-realize niyo ang mga bagay-bagay at maging responsableng estudyante at guro o kaya magkaibigan kayo lalo na at nasa iisang bubong kayo, at isang matanda lang ang kasama niyo riyan."

"Naiintindihan ko po, Mrs. Soledad. Alam ko naman po kung ano ang pwede at hindi ko pwedeng gawin dito po."

Tumango-tango si mommy. "I know you do, iho. Amber, malaki ka na at alam mo rin kung anong ibig kong sabihin."

"Actually, hindi." Both of them didn't react.

"Anyways, nandito na yata ang magaling kong asawa." Lumingon si mommy sa likod niya kaya nakikita rin namin ni Devon si daddy na pumasok. May mga bitbit siyang brown paperbags. "Honey, nandito si Amber."

"Ha? Where?" Paano niya ako makikita eh hanggang mukha niya ang tangkad ng paperbags. "Amber, baby?"

"Hey, dad."

"Honey, ilapag mo muna iyan sa kitchen counter at pumunta ka rito."

"Wait a minute."

"Bilisan mo naman, Rafael."

"Ito na po, Madam Eva."

Habang nag-uusap ang mga magulang ko, bumulong sa akin si Devon. "You didn't say they were rich."

"Sabi kasi nila lagi kong paniwalain ang mga tao dito na hirap pa rin silang magtrabaho sa ibang bansa. Ewan ko ba kung bakit. Sabi lang nila natatakot silang maulit ang nangyari dati pa."

"May nagtatanong ba sa inyo ni lola kung kamusta na sila?"

Pinilit kong alalahanin kung may nagpupunta dito na hinahanap sina mom at dad. "Mayro'n yatang isa kaso nakalimutan ko na ang pangalan."

"Hey, Amber, my princess!" Napatingin kami sa screen.

Mukhang hindi nakinig si daddy sa sinabi ni mommy. Inirapan lang siya nito.

"Hi, dad! Pinapahirapan ka na naman ni mom."

"Oo nga eh. Pasalamat siya mahal ko siya."

"Parang wala ako rito eh ano."

"Sorry na, honey. Nagbibiro lang kami ng anak mo. Ito naman." Lumingon ulit si dad sa amin at pinuna niya si Devon. "Oh! Ito na ba si Devon Montecarlo? Ang prince charming mo, anak?"

"Dad naman."

Natawa si Devon. "Opo, sir." Tingnan niyo, ginatungan pa. "Nice to meet you po."

"Hay nako. Masaya nga ako dahil finally, nakita rin kita at nakausap. Si mama kasi hangang-hanga sa kabaitan at kagwapuhan mo. Lagi ka nga niyang bukambibig imbes na ang anak namin kapag nagkakausap kami eh. Gusto ko lang talagang makita kung totoo nga ang sinasabi niyang mas gwapo ka sa akin."

Secret LoversWhere stories live. Discover now