Chapter 5

476 157 55
                                    

[5]

Amber

Sakto namang tumunog ang phone ko. Tinignan ko muna ang caller ID.

"Hello."

"Amber!" Napahiwalay ko agad sa tainga ko ang phone. "Tell me what happened. Nakakainis ka naman. Ikaw pa talaga ang nakauna. Lagot ka sa mga karibal mo sa school."

Napakunot ako ng noo. "What the hell are you saying?"

"Wala bang nangyari sa inyo? I mean, alam mo na. Dinala ka niya sa bahay niya..." She giggled.

"Nothing happened. Well, iyon ang sabi niya. Lasing po kasi ako 'di ba?" I said, rolling my eyes.

"Ay. So virgin ka pa rin?"

"Crystal!"

Tawa muna ang sumagot sa 'kin.

"Iyon na sana ang pagkakataon pinakawalan mo pa. Ang bagal mo namang kumilos." Parang disappointed pa ang boses niya. "Actually, nagulat talaga ako nang tumawag siya kagabi. Nag-alala ako sa mga sinabi niya, friend."

"Talaga? Naramdaman ko." Sarcasm. "So, tumawag nga si lola sa 'yo?"

"Yep. I did what he told me. May pagka-scary din kasi ang boses ni sir. Halatang ayaw niyang may makaalam."

"Syempre pinanghahawakan niya ang teacher role niya." Humiga ako sa kama.

"Mukha ring hindi magiging boring ang tutoring session mo this school year. Ingat-ingat baka maging make out session na iyan."

"I'll be damned."

Nagkwentuhan pa kami at pagkatapos ay binaba ko na ang phone sa may side table at humilata sa kama. Inaantok pa rin ako.

After siguro ng mga 30 minutes, malapit ko na makuha talaga ang tulog ko nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto.

Ugh. Sino ba iyon? Kita nang may natutulog eh.

Patuloy pa rin ang ingay. Bahala ka riyan. Hindi kita pagbubuksan. Magsawa ka ng kakakatok.

"Amber, ang haba na nga ng tulog mo kanina itutuloy mo pa rito?"

Napadilat ako. Nakita ko si sir sa loob ng kwarto ko at nakatitig sa 'kin.

Mas nanlaki pa ang pagkadilat ko na parang luluwa na.

Si sir? Nasa kwarto?

I blinked a few times. Si sir nga!

Hinila ko agad ang kumot hanggang sa ilong ko. Never. Never ko pang hinayaan ang isang lalaki na pumasok sa kwarto ko. Never!

"A-A-Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Obvious ba? Edi ginigising ka. Sabi ni lola ihatid mo ako hanggang sa gate."

I stared at him when he didn't say anything more.

"'Yon lang? 'Yon lang!"

Nagkibit-balikat lang siya. Dahil doon mas lalo pa akong nainis sa gwapong pagmumukha niya.

He's really getting into my nerves!

Padabog akong nag-ayos ng sarili. Aware akong nasa kama ko siya at nakatingin sa 'kin. Inirapan ko lang ang nangingiti niyang mukha. Gustong-gusto niya talaga ang pagngisi sa akin.

Gusto mong halikan ko iyan?

Umalis na kami sa kwarto at bumaba. Naghabilin pa ng kung ano si lola kay Devon pero hindi ko na pinakinggan. Tuloy-tuloy lang ako sa labas.

Naramdaman at narinig ko naman siyang patakbo na sumunod sa 'kin.

"Oh, labas." sabi ko nang marating namin ang gate.

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon