Chapter 16

271 83 4
                                    

[16]

Crystal

"Guys, pasensya na talaga." bungad ng class president namin pagpasok sa classroom. "Hanggang 6 na lang daw ang pasahan. Wala nang ibibigay na palugit."

Galing siya sa faculty office para pakiusapan si Miss Elisa na ipabukas na lang ang submission ng five-page essay na pinapagawa niya. Last subject namin ang sa kaniya tapos magpapa-seatwork pa ng gano'n kahirap. Kamusta naman ang brain cells namin ngayong araw 'di ba?

Sari-sari na reklamo ang pinarinig ng mga kaklase namin.

"Sorry talaga, guys. Bilisan na lang natin para makauwi tayo nang maaga."

Paano kami makakauwi nang maaga eh halos lahat ng nandito ay wala pa sa third page ng essay nila?

Tapos itong katabi kong babae nasa pang-apat na pahina na. Nasaan ang hustisya?

"Amber, mukhang mauuna ka pang umuwi ah. Patulong naman."

"Hindi rin. Ang hirap kaya ng topic ko. Kay Denver ka na lang magpaturo. Tutal tapos na siya."

Ha?

Napalingon ako sa kabilang gilid ni Amber at nakitang natutulog itong unggoy na 'to.

"P-Paanong...?"

"Madaling topic kasi ang napunta sa kaniya kaya iyan, nilaro-laro na lang niya para humaba. O, ito. Basahin mo." May binigay siya sa 'king limang papel na naka-staple na rin. Binasa ko itong maigi.

Napatango-tango ako. In fairness, ang galing nga niyang magsulat at marami siyang nasasabi tungkol sa topic na iyon. Advantages and disadvantages, benefits, promotions, campaigns, etc. Paano niya nalaman ang lahat ng ito sa maikling panahon eh wala naman siyang interes sa mga ganito? Tamad na tamad nga iyan kapag English subject.

Oh well, mabuti pang ituloy ko na ang pagsusulat. Gusto ko na ring makauwi!

After a few minutes, naipasa na rin namin ang lahat ng gawa namin bago ang deadline.

"Sige guys, umuwi na kayo." sabi ni class president.

Napahinga ako nang maluwag at nag-inat ng mga kamay pataas. Hay. Salamat!

"Amber, ihahatid ka ba ng lover mo pauwi? Magse-session pa ba kayo?" bulong ko sa kaniya para walang makarinig.

"Hindi na. Late na rin kasi. Diretso na kami pauwi."

"Oh."

"Gusto mong sumabay? Sabay na lang kayo ni Denver sa amin. Ihahatid namin kayo."

"Ha? 'Wag na. Magko-commute na lang ako."

Natigilan siya at humarap sa akin. Tapos pinandilatan ba naman ako? "Crystal, sinasabi ko sa 'yo. 'Pag ikaw na-bingo riyan kaka-commute mo mag-isa ah."

"Uh, about that..." kamot ko ng ulo.

May biglang umakbay sa akin. "Sasabayan ko na 'tong umuwi. Kawawa naman eh."

"Lumayo ka nga sa 'kin!" Tinulak ko ang mukha niya palayo dahil sa gulat. Masyadong malapit eh. Nakakatukso! "Pasensya na kung nakakaawa ako ah. Hiyang-hiya naman ako sa 'yo. Bes, una na ako sa inyo."

"H-Ha? Teka lang. Akala ko sabay kayo nito?"

"'Wag na lang!" Binilisan ko nang maglakad palabas ng school. May mga kasabay pa naman akong maglakad. Nga lang pagsakay ko sa pangalawang byahe ng bus mamaya mag-isa na lang ako! Kainis kasi ang unggoy na iyon eh.

Hindi pa ako nakakalabas ng gate ng school may umakbay na naman sa 'kin. Alam ko nang hindi si Denver iyon kasi payat ang kamay.

"Hey, babe. I can accompany you home if you want. Mas delikado sa subdivision natin kapag gabi." Si Ryan lang pala!

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon