Chapter 13

275 101 9
                                    

[13]

Amber

Natigil ako sa pagbabasa nang may kumatok sa pinto.

"Pasok."

Bumukas ito at nakita kong madumi na ang itsura niya. He smiled. "I'm done fixing my room. Wanna eat?"

Umupo ako at sinarado ang librong binabasa ko.

"Maligo ka muna. Ako na magluluto."

Nawala ang ngiti niya. "Are you sure?"

I stared at him. "Marunong ako."

Lumapit ako sa pinto at lumabas na rin kaya napaatras siya. Nakita kong bumaba si Cookie ng hagdan.

Peste. Iniwan ako. Siya lang ang harang ko kay Devon eh.

Tutuloy na sana ako sa hagdan nang hawakan niya ang braso ko. "Amber, I'm sorry."

I sighed and looked up at him.

Hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka pabalik agad. I know that by now. Pero kasi...

Napailing ako. What I'm thinking is wrong. Sinabi ko na sa kaniyang maghihintay ako. At naniniwala siya roon. Hindi niya kailangan ng pamimilit. Wala akong kailangang gawin na labag sa loob ko para lang mahalin niya ako. Hindi gano'n kumilos ang pag-ibig.

Ngumiti ako nang tipid sa malungkot niyang mukha. "Ayos lang. Bilisan mo na kakain pa tayo. Bahala ka, baka ipakain ko iyon kay Cookie."

His eyes lingered for a while then he sighed and went back to his room.

Wala akong pagdududa. Alam kong mamahalin niya rin ako balang araw. Kahit kailan pa iyan. Kahit pumuti na ang uwak sa kahihintay ko, ayos lang.

Mahal ko siya eh.

Nai-imagine ko tuloy ang subconscious ko na umiiling.

Masokista.

***

Nahuhulog ako.

Karamihan sa atin nagkakaroon ng weird na pakiramdam na kapag nagdedesisyon ka sa isang napakalaking bagay, mararamdaman mong nahuli ka sa isang malalim na bitag. Hindi ka na makakabalik. Hindi ka na makakalabas.

Iyon ang naramdaman ko no'ng umamin ako na mahal ko si Devon. Para akong naglalakad sa kalsadang hindi ko maaninag ang nasa harap at kapag lumingon ako, unti-unting lumalayo ang pinanggalingan ko.

But I still walked. Pinagpatuloy ko ang paglalakad sa pag-asang makita ang destinasyon. Baka mabago ang kasalukuyan ko kapag nakarating ako doon. Baka makawala ako sa lungkot na buong buhay akong ginagambala.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pagkatapos. O kung malalaman ko pa ba. Hindi ko alam.

Mayroon na palang naghihintay sa akin sa gitna palang ng paglalakad ko.

Malalakas na tunog na pambata ang umalingawngaw sa paligid ko. Nakita ko ang mabilis na andar ng roller coaster sa paikot na railings at ang takot at saya sa mga mukha ng nakasakay doon. Rinig ko ang panghihikayat ng mga tindera at tindero sa mga nagdadaan na maglaro sa stall nila.

Hindi ako makagalaw dahil nasisikipan ako sa mga tao. Lahat sila may gustong puntahan. Hindi sila nauubos. Pinilit kong maglakad pero hindi kumikilos ang mga paa ko. May naglagay ba ng glue sa sahig?

Tumingala ako. Ang tahimik sa taas. Wala akong makita. Samantalang dito sa baba ay maingay at puno ng buhay. Madilim ang paligid ng park na parang ito na mismo ang mundong tinitirahan ko. Dito umiikot ang buong pagkatao ko. Ang makulay at magandang itsura nito ang nagsasalamin sa personalidad ko.

Secret LoversWhere stories live. Discover now