Chapter 3

573 169 95
                                    

[3]

Amber

Binuksan ko ang pinto ng classroom nang malakas. Napatingin naman ang mga kaklase ko at ang teacher na naputol siguro ang pagsasalita. Tinignan ko lang sila.

"Sorry. I'm late." I said. Not sounding sorry at all.

Humarap sa 'kin ang teacher at nakapamewang pa. "Miss Soledad. As always! Patapos na ang discussion ko. Be ready for a quiz."

Binagsak ko ang bag ko sa upuan at padabog na umupo. Tumingin lang ako sa harap at tinikom ang bibig ko. Pakiramdam ko nga umuusok pa ang ilong ko.

"Bad mood ang umaga natin ah. May nanggalit ba sa 'yo? Meron bang hindi natablan ng charms mo?"

"Unfortunately, yes." sagot ko. "Nakakasura na siya. Gwapo nga ang sama naman ng ugali. Paano ba ako makakatagal sa kaniya ng sampung buwan?"

"Si Sir Devon hindi natablan ni Amber Rose?" monologue ni Crystal. "The Amber Rose?"

Nagkibit-balikat na lang ako. Masyado akong naiistress sa lalaking iyon. Paulit-ulit sa isip ko ang nangyari pagkatapos ng tutoring session namin sa library.

Natapos na niyang i-check noon ang mga sagot ko sa quiz na binigay niya after ng first lesson namin. Kita kong napailing siya. "The result is the same as before." Meron kasi siyang copy ng mga test papers ko last year at inaamin kong lahat iyon pasang-awa. Nagulat pa nga ako dahil hindi naman niya kailangang dalhin iyon.

"It's just the first lesson. Naninibago pa ako." pagdadahilan ko kahit parang ang lame.

"Iyon na nga eh. First lesson pa lang taob ka na." He smirked.

Iniwasan kong magsalita dahil sa insulto niya. Pero hindi ko kinaya.

"Nakakapikon ka na ah."

"Watch your mouth. Mas matanda pa rin ako sa 'yo. Do you want me to teach you good manners and right conduct too?"

"No need. Lagi akong 75 doon." Inayos ko na ang gamit ko sa bag. Tumayo na si sir at hinintay akong makatayo rin.

Tatayo na rin sana ako nang may lumapit sa aking lalaki. Siya ang kaninang nasa grupo ng mga estudyante na ngumiti sa akin. "Hi. I'm Derek."

"Hi." Binago ko ang tono ng boses ko. Ginawa kong husky at tipong surprised. "I'm Amber. Nice to meet you, Derek."

Tumayo na ako at inayos ang buhok ko sa harap niya. Kita sa mukha niyang namumula siya. "Which school are you from?"

"Milestone. I bet you're from Victory, right? Some of my friends are there." That is definitely a lie.

"We are. C-Can I have your number? I want us to be friends."

From the tone of his voice alam kong iba ang meaning ng friends na gusto niya. Nagmamadali ka lang, kuya? "Sure. I—"

"Amber."

Napalingon kami pareho ni Derek sa nagsalita. Si Sir Devon lang naman iyon na seryosong nakatingin sa 'kin. Sa ibang panahon siguro iisipin kong nagseselos siya—

"My love." dugtong niya!

Napanganga ako sa narinig. Parang ayaw marehistro sa utak ko ang sinabi niya. Amber, my love? Really? Gusto niya bang tapusin ang maliligayang araw ko? Ano na lang ang iisipin ng mga lalaki kapag nalaman nila ito?

Hindi naman natinag si sir sa reaksyon ko. Nagulat din 'yong Derek at nautal-utal na ng pagsasalita. "A-Ah. I-I'm so-sorry."

Lumapit si sir at hinapit ako sa baywang kaya napadikit ako sa kaniya. "Sa susunod, siguraduhin mong walang kasamang lalaki ang babaeng sinusuyo mo. I'm her boyfriend." Nagulat na naman ako. Parang iyon din kasi ang sinabi ko sa babae kanina sa lobby.

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon