Chapter 21

196 79 10
                                    

[21]

Amber

"I'm sorry."

Alam niya pala.

Kahit hindi ko sabihing nag-aalala ako sa kaniya nahahalata niya sa boses ko. Paano, hindi niya ako tinatawagan. Kapag ako ang tumatawag laging "unavailable or out of coverage area" ang sinasabi ng voice over.

Alam kong mukha akong demanding girl—er—friend pero sana man lang kahit sa text masabi niyang okay lang siya. Na nakakain na siya ng breakfast, lunch at dinner. Na masaya siyang kasama ang dad niya ngayon.

Nagtampo tuloy ako sa kaniya sa mismong birthday ko.

"It's okay." mahinang sabi ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ngumiti.

Narinig ko siyang huminga nang malalim. "Si dad kasi eh. Ang daming inuutos. Minamadali pa ako kaya naiwan ko ang phone sa bahay. Kailangan ko pang kulitin ang driver para maipadala sa akin dito sa office."

"Na-miss ka lang talaga ng dad mo. Kumain ka na ba?"

"Hotcakes." Favorite niya talaga iyon. "You?"

"Kakain pa lang. Namili na kasi kami." Parang may gusto akong itanong sa kanya. "Devon."

"Hmm?"

"Ano'ng bagay sa 'kin na kulay ng damit?"

"For later?"

"Uh-huh."

"Black."

"Pero sabi nila mommy sky ang theme ng party."

"That's okay. Anything you wear in black complements your surroundings. You need to stand out from the crowd. Besides, I think all colors suit you."

Parehas talaga kami ng iniisip. Biniro ko naman siya. "Eh ano'ng bagay sa 'king kulay ng lingerie?"

Napamura siya nang wala sa oras kaya natawa ako nang sobra. Minsan lang naman akong magpa-turn on sa kaniya eh. Mahirap na baka mapunta kung saan. Ano na kaya'ng itsura niya ngayon?

Wet in his pants, I guess.

"Still black."

Napatango ako.

"But I prefer you naked."

I gasped, looking at my shocked—and aroused—expression in the mirror. Gumaganti siya ha. Narinig ko siyang ngumisi. Akala panalo siya.

Pasalamat siya nandito sina mommy at matinong tao ako ngayon. Pagkatapos ng birthday ko...

Pwedeng-pwede na kitang pasiyahin buong gabi.

Oh, please. Can't you just do it? Kailangan tumuntong ng 18 bago mo ibigay ang gusto niya? Ang gusto niyong dalawa?

Dinedma ko lang ang subconscious ko. Hindi naman ako nagmamadali ano.

"Not now. Teka, makakapunta ba kayo ng dad mo mamaya?"

"Sorry. I still don't know. Inaayos pa kasi namin ang gusot tungkol sa deal with our foreign investors. We're going to have an emergency meeting. Pero feeling ko challenge lang 'to sa 'kin ni dad."

"Challenge?" Nagtaka naman ako. Sinusubukan siya saan? Bakit may kasama pang foreign investors?

"He didn't say it directly. But ...I think he's going to give me the position."

Oh. This is news. Siguro kaya pinatawag ni Mr. Montecarlo ang anak niya ay para dito. Titignan niya kung kaya ni Devon na patakbuhin ang kompanya nila. Knowing Devon, he can do anything. Not all, but when he sets his mind into something, he would focus and give everything that's needed. Marunong siyang magsumikap. And I think marami pa siyang pangarap sa buhay bukod sa pagiging teacher.

Secret LoversWhere stories live. Discover now